[3] MEET MY WOMAN

608K 10.3K 702
                                    



Inip na pinanood ni Blake si Alex sa pagmi-makeup. Kanina pa siya tapos magbihis at mag-iisang oras nang naghihintay.

"Sandali na lang to," wika ni Alex nang mapansing maya't maya na siyang tumitingin sa relos. "Fifteen minutes tapos na ito."

"Kelan ka pa natutong mag make-up?" taka niya. Dati ay hindi naman ito marunong maconcious sa hitsura.

"Nung umalis ka. Isa ito sa mga naisipan kong pagkaabalahan. Tinuruan ako ni Margareth."

"So you decided to look beautiful while I wasn't around. Bakit meron ka bang pinapagandahan maliban sa akin?"

Natigilan si Alex sa paglalagay ng liquid eyeliner sa talukap. Tinaasan siya ng kilay. "Ano yan? Selos ba o komento lang?"

"Both. I don't want you to look too beautiful pag wala ako sa tabi mo. Paano pag biglang may sumungkit na naman sayo. I will not be around to defend my place," pagpapakatotoo niya.

"Bakit sa tingin mo ba magpapasungkit naman ako? Wala ka bang tiwala sa akin?" balik sa pagmimakeup na sagot ng girlfriend.

Di nakatiis na niyakap niya ito nang may panggigigil. "Tama na yan! Masyado ka nang maganda."

"Blake ano ba?!" iwas agad ng kasintahan.

Medyo inis na hinarap siya nito at pinagpagan ang kanyang polo. "Ayan tuloy nagusot na itong damit mo."

Natawa siya sa reaksiyon nito. "Hey since when did you start caring about things like these? Dati naman nakakalabas ka ng bahay without even checking the mirror," paninibago niya.

Namewang si Alex sabay hingang malalim. "Hindi ba obvious na para sayo tong ginagawa ko. Ayokong masabi ng mga ipapakilala mong kaibigan na pangit ang taste mo sa babae? Gusto mo ata ay yung mukha pa rin akong basagulera," ngiwi nito.

Hinaplos ni Blake ang plantsadong-plantsadong buhok ng kasintahan. Napapangiting inipit iyon sa tenga."I got your point pero pwede bang maganda lang unlike now, you look too beautiful. Mas kinakabahan ako kaysa sa nagiging proud." Tinangka niyang humalik sa mga labi ngunit mabilis na umiwas ang dalaga.

"Ang lipstick ko baka masira!"

"See when you're like that hindi ka na rin pwedeng lambingin."

Marahang tinulak siya ni Alex papalayo at pumunta sa kinaroroonan ng itim na sapatos na may matataas na takong.

"Are you sure you can walk comfortably with those heels?" taka niya habang nakahalukipkip na pinapanood ito sa pagsusuot ng mga sapatos.

"Kasama ito sa training ko. Ilang beses na ba ako nakipaghabulan sa mga kriminal nang nakatakong."

Nereview niyang muli ang hitsura ni Alex mula ulo hanggang paa. Naka brown turtle neck dress na may habang mga dalawang dangkal mula beywang. May patong na gray na mini fur coat. Nakastocking ng itim, malalaking bilog na hikaw at patong-patong na makakapal na bracelets.

"Tara na ready na ako," aya nito habang nag-ispray ng perfume at pagkuway dinampot ang chanel handbag.

"Looks like I'm dating a cosmo girl," nakangiti at napapailing na bulong niya sa sarili.

-----

"Alex, this is Marlon and his girlfriend, Lovelle. This is Jason a-and of course Debbie. They are my Filipino friends from the University." Pakilala ni Blake sa mga kaibigan nang magkita-kita sa isang sikat na nightclub sa New Jersey.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon