[18] WHEN THINGS GO RIGHT AND WRONG

418K 6.6K 1.7K
                                    

 Kahit mag-isang nananghalian, ganadong-ganado pa rin si Blake sa pagkain. Sunud-sunod ang subo niya at hindi binabakante ang bibig. Tinitikman bawat putahe subalit maya't mayang napapainom ng tubig. Bagama't medyo dismayado sa pang-iiwan ni Alex, masaya pa rin siya dahil personal na inihanda ng dalaga ang mga pagkaing iyon. Simula nang mag-umpisa siyang sa Golden Pacific, iyon ang unang pagkakataong pinagluto at hinatiran siya ni Alex.

"What's going on here?"

Napalingon siya sa bagong dating na si Debbie. Napapanganga ito habang tinitingnan ang hitsura niya.

"Oh you're here. Kumain ka na ba?" tanong niya habang puno ng pagkain ang bibig.

"N-Not yet," nagtatakang sagot nito habang nakatitig sa mesa.

"Do you want to join me? Tulungan mo akong ubusin ito," alok niya.

Naupo si Debbie sa harap niya at natutulalang kinuha ang isang nakahanda ng pinggan na para sana kay Alex. "Sige sasabayan na kita. With your unusual way of eating right now, it seems that you're agonizing eating alone. Saan ba galing ang mga pagkaing ito, mukhang homemade ah?"

"Dala ni Alex. Pinagluto ako," tuloy pa rin sa maganang pagkaing sabi niya

"R-Really? "B-But where is she?" taka ng kausap.

"She left," kaswal na sagot niya.

"How could she let you eat by yourself?"

Kumibit siya ng mga balikat. "Well siguro may mas importante siyang gagawin kesa samahan akong kumain," ngiti niya nang di maikubli ang tono ng pagtatampo.

Bakas niyang tila naawa sa kanya ang kausap. "Sigurado kang okay lang na kumain ako? This food is for you," matamlay na ngiti nito.

"Sabayan mo na ako kaysa naman kumain ka rin sa labas mag-isa."

Atubiling sumubo si Debbie. Muntik na itong maubo nang sumayad sa dila ang pagkain. Natawa siya pagkakita sa reaksiyon ng babae.

"Oops sorry I forgot to warn you about the taste," sabay salin niya ng tubig sa baso at tatawa-tawang inabot ito. "She's a terrible cook."

"T-There's nothing wrong with the taste. Nasamid lang ako," medyo nahihiya pang sambit ng dalaga.

"Come on. Be honest, I won't mind. Matanggal ko nang natanggap yan." Tumingin siya sa mineral water. "There's the water. Sabayan mo na lang ng inom, that's the technique pag kumakain ng luto niya," sabay tumawa siya nang may pilit na sigla. "I couldn't believe that she cooked all of these but after I had a taste, naniwala na ako."

-----

"Ano nandiyan pa ba?" di mapakaling sabi ni Alex habang kausap si SPO1 Balatbat sa cellphone.

"Andito pa ho. Nasan na ba kayo, kapitan?"

"Nasa taxi, papunta na ako diyan. Si Manang janitress nasaan na?"

"Hindi pa rin ho lumalabas ng trabaho."

"Sige huwag mong hahayaang makawala sa mga mata mo ang suspect ha."

"Yes Ma'am!"

Pagkababa ng telepono ay ibinaling niya ang atensiyon sa daan at sa taxi driver. Kanina niya pa hinahabaan ang pasensiya sa mabagal na pagmamaneho ng driver. "Manong pwede bang pakibilisan niyo. Nagmamadali ako eh," di na nakatiis na sabi niya.

"Miss hindi pwede ang mabilis na takbo sa kalsadang ito," katwiran ng drayber.

"Maghanap na lang kayo ng ibang madadaanan. Pwede ho ba?"

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon