[5] LIFE AFTER NEW JERSEY

605K 9.5K 1.5K
                                    

   
Papasok si Blake sa isang modernong building na binubuo ng limampung palapag. Kung pagmamasdan sa labas ang naturang gusali, mistula itong isang higanteng kahong gawa sa salamin na kapag tinatamaan ng sikat ng araw ay nagmumukhang babasaging kristal na may liwanag ng pinaghalong bughaw at pilak. Sa pinakamataas na bahagi ng harapan ng building ay nakakabit ang higanteng pangalan na gawa sa makikinang na tansong mga letra, ang Golden Pacific Oil Corporation.

Nakasuot ang binata ng mamahaling suit. Ayos na ayos ang buhok. Makinis na makinis ang mukha. Walang bahid ng kahit kaunting gusot ang damit. Makintab ang sapatos. Mahihyang dumapo maski alikabok sa sobrang linis at bangong pagmasdan. Nakabuntot sa kanya ang limang mga tauhang pawang nakabihis din ng amerikana.

Habang naglalakad sa lobby, lahat ay napapahinto at napapalingon kay Blake lalong-lalo na ang mga kababaihan.

"Grabe ang guwapo. Sa wakas, natsambahan ko rin siyang makita dito sa building. Totoo pala ang balita na mala prinsipe nga ang apo ni chairman."

"Kahit habambuhay akong magtatrabaho dito, okay lang basta't ganyang mukha lagi ang makikita ko."

"Buti na lang napadaan ako ngayon dito sa lobby at least gumanda ang araw ko."

"Ang sarap magtrabaho kung araw-araw ay may nakikita akong inspirasyon."

"Hhaaaay sana ako na lang ang mapangasawa niyan..."

Walang pakialam si Blake sa mga matang nakatingin sa kanya. Manhid ang mga tenga sa mga pasaring na komento.

"Mr. Sarmiento, where are the research files I asked you yesterday?" tanong niya habang naghihintay ng elevator.

Lumapit sa kanya ang empleyadong nasa mga limampung taong gulang na at iniabot sa kanya ang isang folder. "Eto na po sir."

Tiningnan niya ang mga pahina ng dokumentong ibinigay sa kanya. "Kulang ito."

"There are more files to come sir. Hahanapin pa daw po kasi ng incharge yung ibang mga folders."

"When I ask for something, either you submit it completely or you don't submit it at all. I don't like half baked works. Anong klaseng department ba ang pinagkuhanan mo nito? Mukha hindi nila ginagawa ng maayos ang filings."

"Matagal na daw kasi yang records na pinapahanap niyo kaya medyo natatagalan sa paghalungkat yung tao."

"I know but that's not an excuse. Files like this should be saved in a database for easy references. The whole world is becoming digital and yet you guys are still stuck with this ancient filing system. Baka naman may asthma na ang naghahanap nito."

Ilang saglit munang natahimik ang empleyado bago nakasagot . "I-I understand sir. Di bale po ifofollow-up ko na lang ulit."

"Thank you for being sensible," sarkastikong sagot niya.

Nagbukas ang pinto ng elevator. Naunang pumasok si Blake at nang susunod na sa kanya ang mga nakabuntot na empleyado, agad niyang pinigilan ang mga ito.

"No need to follow. I'm heading to my office alone," sabay sarado niya sa pinto.

Mag-isa siyang sumakay sa elevator. Kapag nagbubukas ang pinto pagdating sa ibang palapag ay walang nagtatangkang sumabay sa kanya. Bumaba siya pagdating sa 42nd floor at naglakad patungo sa isang silid na napapalibutan halos ng mga dingding na gawa sa salamin. Pumasok siya sa isang pintong may nakasulat na Director's Office. Dinaanan niya ang labindalawang cubicles at lahat ng mga nakaupo doon ay isa-isang nagsitayuan at bumati sa kanya.

"Good morning sir!"

"Good morning," sagot niya sa bawat nadadaanang empleyado nang may seryosong mukha.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon