[41] The Root of All Evil part 1

417K 7.9K 1.1K
                                    

             

                                                                   ••••

Ala-una ng madaling araw, nasa opisina pa rin si Blake kasama sina Don Henry, ang buong pamilya ni Alex at apat sa ilang mga tauhan niyang marine bodyguards. Walong oras na silang naghihintay sa isang napakahalagang tawag. Sa kahabaan ng kanilang paghihintay, halos lahat ay nanlalambot na sa panghihina't pag-aalala. Tanging si Blake lamang ang gising na gising pa rin ang diwa habang hindi pinapakawalan ang cellphone sa kanyang mga kamay. Samantalang maya't maya namang umiiyak at hinihimatay ang ina ng nawawalang dalaga.

'Nasa mga kamay ko si  Captain Alexandra Valdemor. Kung gusto mo pa siyang makita ng buhay, sumunod ka sa mga sasabihin ko. Huwag na huwag kang magkakamaling magsumbong sa mga kabaro ng syota mo.'

Paulit-ulit na binabasa ni Blake ang isang natanggap na text mula sa numero ni Alex ilang minuto lamang matapos siyang tawagan ng girlfriend at marinig ang nahihirapang boses nito. Pagkatanggap niya ng mensahe ay agad niyang tinawagan ito ngunit nakapatay na ang telepono. Sa una'y itinatanggi niya pa sa sariling maaring nasa bingit ng panganib ang babae. Gumawa muna siya ng paraan para hanapin ito. Nagpunta siya sa headquarters, sa shooting range, sa bakery ni Margareth, sa hospital nina Dennis hanggang sa mismong bahay nina Alex na siyang dahilan para malaman ng buong pamilya ang posibilidad na nawawala ang dalaga.

Ang tanging impormasyong nakuha niya ay mula kay SPO1 Balatbat . Sinabi ng pulis na mga bandang alas-tres ng hapon ay inutusan siya ng dalagang kapitan na iparada sa likuran ng headquarters ang motorsiklo ng opisina na madalas nitong gamitin. Hindi nagbanggit ang babae sa sinumang kasamahan na meron pala itong pupuntahan. Ang pagkakaalam ng lahat ay wala lang ito sa mesa subalit nasa paligid lamang ito.

Nagtaka ang mga kasamahan ni Alex sa biglaang paghahanap niya sa girlfriend. Tinanong siya ng mga ito kung may problema ba. Maging si Chief Martinez na balak sanang kausapin ang babae ay nagtaka rin sa may kahabaang oras na nitong pagkakawala sa desk. Nais sanang sabihin ni Blake ang totoo subalit naalala niya ang natanggap na text. Hirap man siyang tanggaping isa nga itong banta, hindi niya pa rin isusugal ang kahit na pinakamaliit na posibilidad na mapahamak si Alex kaya minabuti niyang itago muna sa mga pulis ang katotohanan.

Tatlong oras pa siyang naghanap habang paulit-ulit na sinusubukang tawagan ang telepono ni Alex ngunit bigo pa rin siyang makita o makontak man lamang ang dalaga. Hanggang sa unti-unti niya nang matanggap na totoo nga ang nagbabantang text. Kung kandila lamang siya, tiyak na kanina pa siya naupos at kung isa siyang bomba siguradong kanina pa siya sumabog sa tindi ng kabang nararamdaman. Subalit kahit puno ng takot at kaba ang dibdib, mas higit niyang pinairal ang tapang at pagiging kalmado alang-alang kay Alex. Hindi siya pwedeng magpatalo sa anumang bagay na makakaapekto sa pag-iisip niya. Sa ganitong pagkakataon mas dapat tuwid ang utak niya upang manatiling tama sa mga kritikal na desisyong gagawin niya.

"Papa utang na loob gumawa ka na ng paraan! Gamitin mo na ang lahat ng mga koneksiyon mo para sa apo mo!" umiiyak na pakiusap ni Sylvia kay General Valdemor habang hinang-hinang pinapaypayan ang sarili.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon