[37] The Flavors of Love

526K 10K 3K
                                    

         

                                                            ••••• 

Masigla't maaliwalas ang mukha ni Alex habang tinititingnan ang hapag kainan na puno ng mga pagkain. Natutuwa siya't wala ni isang mang piraso sa mga pagkain ang nasunog. Madaling araw pa lang ay gising na siya para makapagluto ng almusal. Ginawa niya ito hindi para kay blake kundi sa lolo ng kasintahan.

"Ma'am Alex may kailangan pa po ba kayo?" tanong ng isa sa mga katulong na nakahilera sa likod niya.

"Wala na ata....Ah teka! Naku hindi pa pala ako nakapaghanda ng brewed coffee?" biglang tarantang sabi niya.

"Tapos na po Ma'am. Inihanda na po namin. Di po pwedeng kalimutan yun dahil yun ang unang hinihingi ni Don Henry," sagot ng katulong.

"Naku mabuti naman. Salamat ha."

Maraming nakapaligid kay Alex na mga katulong habang nagluluto kanina. Nakahanda ang mga itong umalalay sa kanya ngunit di siya humingi ng anumang tulong  sa mismong pagluluto. Dapat ay sariling sikap at pagod niya ang lahat pag ganitong gumagawa siya ng paraan upang makuha ulit ang loob ni Don Henry. Kailangang makabawi siya sa mga naging pagkukulang niya at sa lahat ng sama ng loob na ibinigay niya dito.

Sa pagbabalik niya sa bahay na iyon, ngayon lang siya maglalakas loob na harapin ang lolo ni Blake. Iniwasan niya ito dahil sa takot na baka masumbatan o mapagalitan din gaya ng naging reaksiyon ng mga magulang sa hindi niya pagtupad sa kanyang pangako. Pero ngayong nakipagbalikan na siya kay Blake wala na siyang magagawa kundi harapin na ang matanda. At dapat ay mas amuhin niya pa ito upang huwag na nitong ungkatin ang trabaho niya. Gaya ni Blake, sana'y tanggapin na rin nito ang totoong pagkatao niya. Sana'y hindi ito katulad ng ina na matatanggap lamang siya kapag binitawan niya ang uri ng trabaho niya ngayon.

Naghubad ng apron si Alex at iniabot ito sa katulong nang makitang paparating na sa kusina si Blake. Ilang saglit lang ay kasunod na rin ng binata si Don Henry. Umusbong ang kaba sa dibdib niya pagkakita sa matanda.

"G-Good morning po Don Henry! Pinaghanda ko po kayo ng almusal," nakangiting salubong niya.

Tumayo muna ang maglolo sa harap ng hapag kainan at pansin na pansin ang hirap makapaniwalang reaksiyon ng mga ito pagkakita sa mga pagkain. Mukha kasing perpektong-perpekto ang pagkakaluto. May hamon, fried chicken, sunny side-up na wala ni isa mang nabasagan ng pula, pancake na tamang-tama ang kulay, toasted breads ala pizza na may toppings na sausage, cheese, ham, kamatis at green pepper at yang chow fried rice na umaalingawngaw pa ang nakakatakam na mabangong amoy ng butter.

Lumapit si Blake kay Alex at nakangiting umakbay sa kasintahan. "Did you cook all this wifey?" tanong nito na halatang proud na proud sa babae.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon