[41] The Root of All Evil (Part 2)

432K 9K 1.7K
                                    

                   •••••

"Anong gagawin mo Blake?! Saan ka pupunta?" puno ng pag-aalalang tanong ni Sylvia habang inihaharang ang sarili sa daraanan ng binata.

Kahit natataranta, nakuha pa ring maghagilap ni Blake ng ligtas na sagot. Hindi niya pwedeng ipaalam sa mga kasama ang tungkol sa balak niyang pakikipagkita sa mga kidnappers. Tibay ng loob at talas ng utak lamang ang tanging panlaban niya. Wala siyang ibang plano kundi ang isugal ang sariling kaligtasan alang-alang kay Alex. Nanalangin na lamang siya na sana sa bandang dulo'y palayain din siya kapag naibigay niya na ang gusto ng mga kriminal.

"I need to prepare the money they're asking."

"T-Teka sandali Blake. Pag-usapan muna natin yan. Magkano ba ang hinihingi nila?" giit ng ginang.

"We don't have time to discuss it. They told me to prepare the money within an hour and they will call me again kung saan ito dadalhin," pagsisinungaling ng lalaki.

Tinangka ulit ni Blake na lumabas ngunit pinigilan pa rin siya ng ginang. "Mag-isa ka lang? Paano kung ikaw naman ang malagay sa panganib?"

"They are kidnap for ransom group. They only kill their hostages if they don't get the amount of money they're asking at walang magsusumbong sa mga pulis. Let's talk about another plan later, after I received their instruction kung saan ko dadalhin ang pera. For now, allow me to prepare the money alone."

"Bakit kailangang mag-isa ka?" tanong ni Tyron. "If you want I can help you with everything to prove you na walang kinalaman dito ang Dad ko," kumpiyansang dagdag nito.

"I don't need the help of someone I don't trust," diretsong sagot ni Blake.

"Let him go," sabay na wika nina Don Henry at General Valdemor.

Naguguluhang tumingin si Sylvia sa dalawang matanda. "P-Pero Dad, Don Henry.... sa ganitong delikadong sitwasyon hindi pwedeng lumakad mag-isa si Blake."

"Don't worry Tita. I won't be meeting the kidnappers yet. Ihahanda ko lang ang pera. Inaalala ko lang na baka paglabas ko dito ay may mga matang nakamanman sa akin and if they see me na may kasama ako baka pagdudahan nilang nagsinungaling ako sa kanila at nakapagsumbong na ako sa pulis. Baka hindi na sila makipagnegotiate pa, mas lalong malalagay sa panganib si Alex," pagkumbinsi ni Blake sa ginang.

Umalis ang binata na walang nagawa ang mga tumututol kundi ang hayaan itong lumakad mag-isa. Tinangka sanang sumunod ng mga bodyguards ngunit mahigpit na binalaan ang mga ito ni Blake na walang magkakamaling bumuntot sa kanya.

Nang makaalis si Blake, pinalabas nina General Valdemor at Don Henry  sina Sylvia, Dennis at Tyron sa silid. Pinaghintay ang mga ito ng matatanda sa opisina ng mga empleyado nang walang binibitawang paliwanag. Pagkatapos ay agad na may tinawagan si Gen. Valdemor. Kausap nito ang mismong kasalukuyang Director General ng PNP. Ibinigay ng matandang heneral ang numero ng plaka ng sasakyan ni Blake at iniutos sa kausap na ialerto ang lahat ng mga presinto sa buong Luzon kasama na ang mga pulis na nakaassign sa kalsada't traffic lights upang imonitor ang nasabing sasakyan.

Dahil sa magandang reputasyong iniwan ni General Valdemor sa trabaho, nirerespeto pa rin ito ng lahat ng mga kasalukuyang matataas na opisyal ng pulisya na karamiha'y dating nasa ilalim ng pangangalaga nito. Bihira lamang humingi ng pabor ang retiradong heneral kaya naman kapag may ipinakiusap ito'y hindi na ito nagdadalawang salita pa. Walang tumatangging tumulong dito sapagkat ni minsa'y wala itong hiningi na para sa sariling kapakanan lamang. Kaya't ngayong mismong pamilya na nito at kapwa pulis din ang nasa panganib, lihim na nakared-alert ang buong kapulisan. Maging ang mga koneksiyon ng pinaghihinalaang kalaban ay piniling huwag nang makialam dahil alam nilang kapag kinalaban nila ang nasabing heneral, posisyon na nila ang malalagay sa alanganin. Kahit matagal na itong wala sa tungkulin, ang impluwensiya at respetong natatanggap ng bawat salitang binibitawan nito'y wala pa ring pinagbago.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon