[15] WOMEN AROUND HIM

431K 7.1K 3.6K
                                    


Mag-isang pinapanood ni Blake sa kanyang laptop ang video profiles ng mga model na ipapalit kay Sophia. Ilang beses nya na itong pinag-aralan ngunit wala siyang mapili. Wala ni isa man sa mga nakitang modelo ang makakapantay sa appeal at karisma ni Sophia sa harap ng camera. Naiintindihan niya na kung bakit sikat na sikat ang babae sa larangan ng trabaho nito.

"Pinapatawag mo daw ako?" may kalakasan ngunit kaswal na tanong ni Debbie.

Medyo napaigtad siya sa kinauupuan sa biglaang pagdating ng babae sa kanyang opisina. Simula nang inihatid niya ito ng lasing, noon niya lang ulit ito nakita.

"Yes. I want to ask your opinion about these models," sagot niya habang itinuturo ang pinapanood.

Naupo si Debbie sa sopa. Normal naman ang reaksiyon nito. Lumapit dito bitbit ang laptop. Napapalunok na tumabi siya nang hindi tumitingin sa mukha nito. "Let's watch this together and help me decide," wika niya.

"Why do you need my help? Maganda naman ang taste mo sa pagkilatis ng ga babae di ba?" ngingiti-ngiting turan nito.

"Kailangan ko rin ang opinyon ng isang babae. Our product is not just for men. There are women who are crazy about cars too therefore I need to pick a model whose personality is attractive to everyone."

Dagling sinulyapan niya si Debbie. Sa ikinikilos nito, halatang wala itong naalala. Ipinagpapasalamat niya kung ganoon nga. Ayaw niyang mabahiran ng anumang hindi magandang bagay ang kanilang pagkakaibigan at pagiging magkatrabaho.

"What?" tanong ng babae nang mahuli siyang nakatingin.

"Nothing. May naalala lang ako." Nakahinga siya nang maluwag nang matiyak na wala nga itong naalala. "Where were you these past two days? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" kunway sumbat niya dito.

Ngumuso ang babae at saglit na nag-isip "I was busy! Ang dami mong pinapagawa sa akin kaya wala akong libreng oras para tumambay dito sa opisina mo," pakibit balikat na sagot nito.

Pumasok ang sekretarya bitbit ang dalawang tasa ng tsaa.

"Try this tea, Blake. This is good. My friend bought it from Japan and I want you to taste it kaya pinatimpla ko sa secretary mo," ani Debbie.

Hindi inintindi ni Blake ang sinasabi ng kausap. "Are you seeing a man lately? Dating? Or brokenhearted perhaps?"

Ibinaba ni Debbie ang hawak na tasa at halatang muntik na itong humalakhak sa sinabi niya. "What makes you ask those things?" natatawang sabi nito nang may namimilog na mga mata.

"W-Well... because the last time I sent you home...w- when you were drunk, y-you acted strange," nag-aalangang paliwanag niya.

Nanlaki ang mga mata ng babae at halatang bigla itong nag-alala. "Why? What did I do? May ginawa ba akong nakakahiya or something stupid? Nagkuwento ba ako ng kung ano-anong kakornihan. Argh! I hate myself when I'm drunk. I don't remember a single thing ng mga pinagagawa ko! I didn't do something embarassing, right?"

Mabilis na iniiwas niya ang mga mata sa babae at dinampot ang tasa sa kanyang harapan. "N-No you didn't...b-but you seemed depressed that night. O-Or...lonely perhaps," patay malisyang sagot niya sabay inom ng tsaa.

"HI!!!"

Nasamid siya nang marinig ang masayang boses. Medyo naibuga niya ang tsaa sa pagkabigla. Tarantang kumuha ng tissue paper si Debbie at pinunasan ang kanyang bibig at polo shirt.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito habang tinatapik-tapik ang likod niya.

Samantala, natigilan si Alex sa may pintuan. Kunot-noong pinagmasdan ang dalawa. Ayaw niyang magbigay ng malisya ngunit may naramdaman siyang kakaiba nang makita ang pag-aasikaso ni Debbie kay Blake. "S-Sorry, nagulat ko ba kayo?" wika niya na noon ay hindi malaman kung dapat ba siyang magtaka o mahiya na para bang may naistorbo siyang mahalagang pinag-uusapan.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon