[29] New Rules for the Old Role

461K 7.8K 1.9K
                                    

                                                 

                                                                              ••••••

Sa headquarters meeting room, magkakasamang nakaupo sa mahabang mesa sina Alex, James at Balatbat. Tahimik ang lahat. Nagpapakiramdaman. Inaabangan ang sasabihin ng pinagtakaang patayin na binata.

Nakahalukipkip si Blake, nakasandal ng maiigi sa upuan at higit sa lahat hindi niya maalis-alis ang mga nakakahiwang titig sa mukha ni Alex na noon ay nakaupo sa tapat niya. Hindi ito makatingin sa kanya habang sinasadyang ibaba ang harapan ng suot na sumbrero para takpan pa ang mukha.

Hindi niya alam kung ano ba ang dapat na mangibabaw sa mga nararamdaman niya mula sa mga pasabog na narinig sa mga kasama sa silid. Ipinagtapat ng mga ito na ang tangkang pagpatay sa kanya ay maaring konektado sa kasong kasalukuyang hinahawakan ni Alex. Inamin din ng mga ito na matagal na siyang under surveillance, sinusundan, binubuntutan at ang hindi niya lang sigurado ay baka pati telepono ay winire tap din ng mga ito. Ang nangyari nga daw na pagtatangka sa kanyang buhay ay lalong nagpatibay na tama ang hinala ng mga kausap na isa rin siya sa target ng kriminal na gusto nilang hulihin. Kaya't humihingi ulit ang kapulisan ng partisipasyon sa kanya na payagan ang mga itong manatili sa pagbuntot sa kanya. At ang pinakamahirap himayin sa utak ay ang sinabi ng mga ito na walang ibang gagawa nito kundi si Alex.

"What makes you think na papayag ako sa gusto niyo?"

"It's for your safety too Blake," sagot ni James.

"I'm not crazy enough to agree in this funny idea! How can I allow my ex-fiancee to become my bodyguard?!"matigas na tutol ni Blake habang diin na diin ang pagkakabigkas sa salitang 'ex-fiancee'.

Kung kanina ay puno ng pag-aalala ang dibdib niya para kay Alex, ngayon naman ay hindi niya maintindihan ang sariling pakiramdam. Gusto niyang matawa, mainsulto, matakot at magalit!

"This is for your own good Blake. Pareho tayong makikinabang dito, you'll get your protection and we'll get our lead," mahinahong paliwanag ni James.

"Kaya kong kumuha ng kahit ilang bodyguard kung gugustuhin ko. I can get the best lawyer para kasuhan ang sinumang nagpapatay sa akin. I don't need your protection. You used me once to capture your target, and this time hindi na ako papayag na gamitin niyo ulit ako. You do your own investigation and I do my own to protect myself!" pagmamatigas niya nang hindi pa rin kumukurap sa pagkakatitig kay Alex.

Pansamantalang hindi nakasagot ang mga kausap. Inalis niya sa pagkakahalukipkip ang kamay at tiningnan isa-isa ang mga kasama sa silid.

"Is this how you do your job? Iniisip niyo muna ang kapakanan ng takbo ng kaso niyo before the safety of the object of your investigation. Just like what you did before, hinintay niyo munang pagtangkaan ako bago niyo sabihin sa akin ang totoo!" galit pang dugtong niya.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon