[6] BREAKING PROMISES

665K 9.6K 805
                                    


Kung nakakapagsalita lang ang kutsara kanina pa nagreklamo dahil sa tagal ng itinatambay sa tapat ng bibig bago maisubo. Wala sa pagkain ang konsentrasyon ni Alex. Hindi mawala-wala sa utak niya ang pinag-usapan nila ni James. Stalker pa rin nga kaya ni Blake si Grace? Nagpakamatay ba ito dahil sa pagkabigo sa pag-ibig? Pero kung totoo mang hinahabol-habol pa rin nito si Blake, ibig sabihin ay hindi ito ang tipo ng babaeng basta-basta na lang sumusuko. Sa haba ng panahong kinimkim nito ang damdamin, hindi makatwiran kung magpapakamatay ito ng ganun-ganun na lang. Ni hindi pa nga nito nagagawang ipagtapat ang totoong nararamdaman sa lalaking lihim na minahal ng pagkahaba-habang panahon.

Paulit-ulit siyang umiling upang burahin sa utak ang hindi magandang naiisip . Imposibleng nagpakamatay si Grace dahil kay Blake. Siguro ay may iba pa itong mabigat na problemang pinagdadaanan.

"Iha mukhang wala kang gana. Hindi mo ba gusto ang lasa ng pagkain? Gusto mo bang omorder ng ibang ulam?" wika ni Don Henry nang mapuna ang matamlay at natutulalang hitsura ni Alex habang kumakain.

Hindi sumagot ang dalaga, halatang hindi nito narinig ang tanong. Nakatitig lamang sa plato habang nag-iisip nang malalim. Natauhan lamang nang palihim na kinalabit sa beywang nang katabing nobyo.

"Lolo is asking you," bulong ni Blake.

"Ha?" natatarantang umayos ng upo si Alex at ngumiti kay Don Henry. "Pasensiya na po, ano po yun?"

"Mukhang wala kang gana. Do you want to order more foods?" ulit ng matanda.

"Hindi na po. Tama na po ito."

"Mukhang malalim ang iniisip mo, may problema ka ba iha? May tampuhan ba kayo ng apo ko?"

"Naku wala ho!"

Nag-aalalang napatingin si Blake sa girlfriend na noon din lamang napansin ang nababahalang hitsura ng babae. "Something is bothering you," may kasiguraduhang wika niya. Sa mga mata lamang ni Alex, alam niya na kung may pinoproblema ito o wala. "Dahil ba yan sa trouble kanina sa headquarters niyo?"

"W-Wala akong problema sa trabaho. May inayos lang ako na nag-aaway na magkapitbahay kaya maingay nung tumawag ka."

"Are you sure? It seems you're hiding something."

Ngumiti nang pilit si Alex. "A-Ano naman ang itatago ko? Napagod lang siguro ako kaya medyo wala akong ganang kumain."

Sumandok si Blake sa bawat putaheng nakahain sa mesa at inilagay ang mga pagkain sa pinggan ng dalaga. "The more na dapat kang kumain. Don't ignore your health just because you're tired."

"Tama na, Blake baka hindi ko maubos yan."

Napangiti si Don Henry habang pinapanood ang pag-aasikaso ng apo sa kasintahan. "Alex, I hope you won't mind asking you this...when are you planning to quit your job?" diretsong tanong niya.

Daig pa ang binuhusan ng malamig na tubig si Alex sa hindi inaasahang tanong. Napatingin siya kay Blake nang may nanghihinging saklolong reaksiyon. Pinagreresign na ba siya ng matanda?

"Both of us agreed that she'll quit her job after we get married," kusang sabi ni Blake sa lolo.

"Right, good that you brought that up. Speaking of your marriage, bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig na plano tungkol sa pagpapakasal niyo? What happened Blake? When you were in states, wala kang bukambibig kundi ang pagpaplano ng kasal niyo right after you arrive here in the Philippines. You've been here for more than two months pero bakit wala pa rin yata kayong ginagawa."

Uminom ng tubig si Alex at patay malisyang tumingin sa reaksiyon ni Blake. Inabangan ang magiging sagot nito. Nagpapasalamat siya sa tanong ni Don Henry. Siya man ay nagtataka rin kung bakit simula nang dumating ito, ni minsan ay hindi pa ulit ito nagbabanggit tungkol sa kasal nila. Matagal niya nang gustong alamin kung ano ang dahilan ng pagbabago sa desisyon nito ngunit nahihiya lamang siyang magtanong. Kahit papaano ay umiiral pa rin naman ang pride niya bilang babae, ayaw niyang lumabas na siya ang nagmamadali sa kanilang dalawa. Hindi niya naman pinagdududahan ang intensiyon ng boyfriend. Alam niyang may rason ito kung bakit ayaw pa nitong pag-usapan ang kasal.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon