[38] The Discoveries

535K 9.3K 3.8K
                                    

                                         

                                                                 •••••

Sa loob ng interrogation room, nakahilera ang mga kalalakihang dumukot kay Alex. Naroroon din sa silid si Alex, James, Balatbat at ang hitman na nagtangkang pumatay kay Blake.

Nakaupo ang hitman sa isang mahabang mesa.

Inilinya ni Balatbat ang mga kidnappers sa harap ng nasabing lalaki. "TIKAS PAHINGA!" sigaw nito sa nakahanay na mga kriminal ngunit nang mapansing nakaposas na pala ang mga ito sa harap ay agad nitong binago ang utos. "HANDA HARAP!"Isa-isa nitong nilapitan ang mga kidnappers. Hinawakan sa baba ang may hindi maayos na pagkakaharap sa hitman at itinuwid ang mga mukha nito. "Sinabi ng handa harap!"

Nakahalukipkip na lumapit si Alex sa hitman at inginuso nito ang mga kidnappers. Si James naman ay nakasunod lamang sa likod ng dalaga upang alalayan ito kung sakaling may magwalang kriminal.

"May namumukhaan ka ba sa kanila?" tanong ni Alex.

Isa-isang tiningnan nang maiigi ng lalaki ang mukha ng mga nasa harap niya. Una niyang tinitigan si Balatbat.

"Hindi ako kasali!" protesta agad ng pulis.

Inilipat ng hitman ang mga mata sa ibang lalaki. Kumunot ang noo nito na halatang walang nakikilala sa sinuman dito. Sumenyas si James kay Balatbat na paharapin sa ibang direksiyon ang mga lalaki.

"HARAP SA KANAAAN! HARAP!"

Sumunod ang mga nakahilerang lalaki ngunit nakakunot pa rin ang noo ng hitman. Sumenyas ulit si James kay Balatbat.

"HARAP SA KALIWAA!HARAP!"

Sumunod ulit ang mga lalaki kaya't muli ang mga itong bumalik sa dating pwesto kung saan nakaharap uli sa hitman. Magkasabay na napailing sina James at Alex sa mapalabok ngunit mali-maling pagmamando ng tauhan. Napagtanto ni Balatbat ang mali niya pagkakita sa reaksiyon ng dalawang opisyal kaya't dali-dali ulit itong sumigaw.

"HARAP SA KALIWA ULIT! HARAP ULIT!" Napapikit ang katabing kriminal ng sumigaw na pulis nang matamaan ito sa mukha ng mga nagtatalsikang laway.

"Ano may nakikilala ka na ba sa kanila?" tanong ni Alex sa hitman.

"W-Wala ho."

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon