[2] GIRLFRIEND ON DUTY

665K 10.7K 2.9K
                                    

                                                                                     ****


Mahimbing ang tulog ni Alex dahil sa pagod sa byahe. Naalimpungatan lang nang maramdamang may kumikiskis sa ilong niya. Tila mapapahatsing siya. Pagmulat ay tumama agad sa mga mata ang liwanag mula sa bintana. Antok na tinabig niya ang kamay ni Blake na pumipisil-pisil sa ilong niya.

"Wake up wifey," bulong nito.

"I-Inaantok pa ako Blake."

"It's breakfast time."

Biglang nagising ang kanyang diwa nang maalalang wala siya sa sariling pamamahay. Napatingin sa relos na nasa bedside table. Mag-aalas nuwebe na. Napabalikwas siya nang bangon. "Bakit di mo ako ginising? May pasok ka ng ten thirty di ba?" aligagang wika niya.

"Alam ko kasing napagod ka sa byahe... tapos pinagod pa kita kagabi," kindat nang binata nang napapakagat sa labi.

"Anong gusto mong breakfast? Magluluto ako."

Lumapit si Blake sa nobya. Pinulupot ang mga kamay sa beywang nito. "Nakapagluto na ako. The table is set for my pretty woman."

"Ang bait naman ng boyfriend ko," pulupot din ni Alex sa beywang ng binata.

"Ano nakapagrecharge ka na ba?" nakangising tanong ni Blake.

Nabasa agad ni Alex ang ibig sabihin ng mga pilyong ngiti ng kaharap. "Tumigil ka Blake, may pasok ka!" kunway matigas na sabi niya.

"Appetizer lang before we have our meal."

"Hindi pwede! Halika na magbreakfast na tayo para makapaghanda ka na," sabay lakad niya palabas ng kuwarto.

"Argh! Mean woman," reklamo ni Blake at sabay buntot nito. "Can I not go to class now? I'm still dying to spend more time with you."

"Hindi pwede," diretsong sagot niya.

"Cold girl."

Bago maupo sa mesa, nagtimpla muna ng kape si Alex. "Anong gusto mong inumin?" tanong niya.

"Coffee too."

Naupo si Blake sa mesa at tiningnan ang kasintahang nagtitimpla ng kape. "Is it okay to your parents na dito ka mag-stay sa place ko?"

"Yep."

Tatawa-tawa si Alex sa isipan. Kung alam lang ng lalaki na ang ina niya mismo ang nagtulak sa kanya na doon siya tumuloy. Ipinagkatiwala niya sa ina ang pagpapabook sa mga malalapit na hotel at sinabi nitong ayos na daw ang lahat subalit nang mag check-in siya ay wala naman pala siyang reservation. Tinawagan niya ang magulang at ito pa ang may ganang magalit sa kanya dahil dapat daw ay sa boyfriend siya tumira.

Tumunog ang cellphone ni Blake. Tumayo ito at kinuha ang teleponong nakapatong sa center table sa may living room. "Huh speaking of them, you're mom is calling... Hello Tita."

"HELLO BLAKE!"

Nailayo bigla ng lalaki ang telepono sa tenga sa lakas ng boses ng kausap.

"Y-Yes Tita?"

"Nandyan na ba si Alex?!"

"O-Opo. She's here."

"Diyan ba tumuloy?"

"Oho. Bakit po? H-Hindi po ba kayo pumapayag?"

"Pumapayag! Payag kami! Kaya nga ako tumatawag para siguraduhing diyan nga siya tumuloy."

"Ah ganun ho ba. Don't worry Tita, safe naman po siyang nakarating kagabi."

"Mabuti naman. Pwede ko ba siyang makausap?"

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon