[14] GIRLFRIENDS CONSPIRACY

449K 7.1K 2.1K
                                    


Maya't mayang sinusulyapan ni Alex ang nagmamanehong boyfriend. Walang imik ito at hindi tumitingin sa kanya. Tila sinasakal siya sa nerbiyos habang naiisip ang mangyayari kapag sumabog na ang galit nito. Pagdating sa garahe, padabog na isinara nito ang pinto.dire-diretsong naglakad papasok ng bahay nang walang lingon-lingon. Nagmamadaling sinundan niya ito.

"B-Blake galit ka ba?" hindi makatiis na tanong niya. "P-Pwede na ba akong magpaliwanag?"

Tila wala siyang kausap. Dumiretso lang ito sa elevator. Nagmamadaling inunahan niya ito sa pagsakay. "Blake naman, pansinin mo naman ako. Wala naman akong ginawang masama. Nagmagandang-loob lang naman si Tyron. Wala namang ibang kahulugan yung paghatid niya sa akin kaya huwag ka namang magalit oh."

Hindi pa rin siya pinansin ng lalaki. Pagkalabas nila ng elevator ay binilisan lalo nito ang paglalakad. Nang makapasok sila sa kuwarto,isinara nito ng pagkalakas-lakas ang pinto. Napaangat ang kanyang mga balikat at napapikit siya. Pagmulat niya, nakaharap na sa kanya si Blake nang may nakakahiwang mga titig.

"Start talking," nagtitimping sabi nito.

"G-Galit ka pa ba?" malambing na tanong niya habang takot lumapit sa kausap.

Ngumisi si Blake. "Anong klaseng tanong yan? Sinong boyfriend ang matutuwang makita ang girlfriend niya na inihahatid ng ibang lalaki?"

"M-Magtataxi naman talaga kami kaya lang nag-alok si Tyron na ihatid kami dahil nakita niyang lasing na lasing na si Margareth..." umpisang paliwanag niya.

"Is it that easy for you to trust anybody? Pag may nag-alok sayong lalaki na ihatid ka, sasama ka kaagad? And for all people si Tyron Garcia pa ang sinamahan mo. How did you know him? I remember he was the guy na kasama ng nagsuicide na empleyado namin sa picture. Was it because of that case again?!"

Muntik na siyang matigilan subalit agad na nakabawi. Ngumiti siya at paulit-ulit na umiling. "Hindi ah! Wala na akong pakialam sa kasong yun. I-Ibang pulis na ang humahawak sa kasong yan!" sunud-sunod na tangi niya.

"Kung ganun paano kayo nagkakilala ni Tyron?"

"Kay Sophia."

"Sinong Sophia?" kunot noo ng lalaki.

"S-Si Sophia... yung ex mo."

Natawa nang mahina si Blake. "Nagkikita kayo ni Sophia? Tapos ni hindi ka man lang nag-abalang banggitin sa akin yan. Nagdadalawang –isip ako na kunin siyang model sa project namin in consideration to what you'll feel tapos heto ka't meron palang direktang communication sa kanya!"

Yumuko siya. "N-Ngayong linggo din lang ako nagkaroon ng contact sa kanya. Isang beses ko lang siya nakita. N-Nagkasabay kami nung minsang nagtake-out ako ng kape malapit sa headquarters. Kasama niya non si Tyron."

Napaisaip sandali si Blake. "Bakit naman magkasama sina Sophia at Tyron?" may halong pagtataka at pagdududa kung nagsisinungaling ba siya o hindi.

Namilog ang mga mata niya at muntik ng tumawa nang malakas. "Hindi mo alam?!"

"Magtatanong pa ba ako kung alam ko?"

"Kitam kaya ka pala nagagalit dahil hindi mo alam. Boyfriend ni Sophia si Tyron!"

Pansamantalang natahimik si Blake. Halatang nagulat ito sa nalaman. "I heard that Sophia is in a relationship with a son of one of our directors but I didn't know it was Tyron Garcia," medyo wala nang galit na tono nito.

Lumapit siya sa lalaki at lakas loob na yumakap para maglambing. "May girlfriend na yung tao kaya huwag ka nang magselos ha? Coincidence lang na nagkita kami sa pinuntahan naming club ni Margareth. Siguro napansin niya lang na nahirapan ako sa kaibigan ko kung kaya't inalok niya kaming ihatid."

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon