[40] Her Own Move

471K 7.9K 1.4K
                                    

                                                       

                                                                   •••••

"Kap, ano nang gagawin natin ngayon? Tuluyan ng ibinasura ang order sa pag-iimbestiga natin sa kaso ni Ms. Capulong? Pati ang kaso ng pamamaril kay Manang ay pinapatigil na rin sa atin," ubod ng tamlay na wika ni Balatbat na noon ay nanghihinang nakaupo sa harapan ng mesa ni Alex.

Tahimik lang ang dalagang pulis. Nakatungo ito at nakapangalumbaba habang natatakpan ang kalahati ng mukha ng suot na sombrero. Tila nag-iisip ito ng malalim.

"Kunin niyo ulit ako sa susunod na kasong hahawakan niyo ha. Ayokong bumalik sa pagtatrapik."

Hindi pa rin sumagot si Alex. Nahalata ni Balatbat ang katahimikan ng kausap at inakalang sanhi ng kalungkutan ang pananahimik nito.

"Kap alam kong masyado kayong nalulungkot. Naiintindihan ko kung gaano kalaki ang hirap at dedikasyon niyo sa kasong ito. Pero minsan ganun talaga hindi lahat ng kagustuhan natin ay madaling nakukuha. Alam niyo naman ang hustisya, mas pinapanigan kung ano ang mas malinaw sa kanilang mga mata," pag-alo ng tauhan.

Naghintay ng sagot si Balatbat ngunit wala pa ring imik ang kausap.

"Hayaan niyo Kap. May araw din yan si Pablo Garcia. Wala namang kasamaang hindi nabubunyag di ba?"

Wala pa ring sagot si Alex. Umayos ng upo ang kanina pa nagsasalitang tauhan at tiningnang mabuti ang nakatungong babae.

"K-Kap...umiiyak ba kayo?"

Lakas loob at dahan-dahang iniangat ni Balatbat ang sumbrero ng opisyal.

"KAP!" sigaw nito sabay palo sa mesa matapos malamang natutulog lang pala ang kausap.

Napaiktad si Alex at dumulas ang kanyang pisngi mula sa pagkakapangalumbaba. Muntik ng malaglag ang puso niya nang ang unang makita pagkamulat ay ang tutok na tutok na mukha ni Balatbat. Sisigawan niya sana ang tauhan subalit nang mapagtantong nakatulog siya'y nahiya siya ng kaunti. Tumikhim na lamang siya at umayos ng upo.

"Pambihira naman Kap oh! Kanina pa ako nag-eemote dito eh sarili ko lang pala ang kausap ko!" reklamo ni Balatbat na kung maka-react ay parang napakalaki ng atraso sa kanya ng kausap.

"Ano ba kasing iminomonologue mo diyan?" tanong ng dalaga sabay hubad sa sombrero at mabilisang kinusot ng kamay ang mga mata.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon