[26] His Fragile Heart

461K 7.3K 4.6K
                                    

                                                                ••••••

Nagnanakaw ng idlip si Alex. Nakataas ang dalawang paa niya sa katapat na silya at komportableng nakasandal sa kinauupuan habang nakatakip ang sumbrero sa mukha.

"VALDEMOR!"

Napaiktad siya. Mabilis na nagising ang kanyang diwa pagkarinig sa sigaw ng hepe. Ibinababa niya ang mga paa, tinanggal ang sumbrero sa mukha, tumayo at sumaludo.

"Chief!"

Natigilan ng ilang saglit si Chief Martinez at kunot-noong napatingin sa hitsura ng inaantok pang babae. Gulo-gulo ang buhok, nangingintab ang mukha, may kalakihan ang eyebags at suot pa rin nito ang damit kahapon.

"Hindi ka pa rin ba umuuwi?" tanong niya.

Napakamot sa ulo ang dalaga at naasiwang ngumiti. "Hindi pa ho, nagpalipas ako ng gabi sa sementeryo."

"Sementeryo?" 

"Oho. Nagmanman ako sa puntod ni Grace. Lately kasi may madalas mag-iwan doon ng mga bulaklak, gusto kung maabutan ang nagdadala nito baka siya na yung kaibigan ni Grace na matagal ko nang hinahanap."

"Anyway, follow me to my office," seryosong utos ng hepe.

Walang pagdadalawang-isip na sumunod si Alex. Kinusot niya ang mga mata at tinalian ng goma ang magulong buhok habang naglalakad.

"May magandang balita ba chief?" ngingiti-ngiting tanong niya. "Tatanggalin na ba nila ang deadline sa kaso ko?"

Hindi sumagot ang hepe. Pagdating sa opisina ay naghubad muna ito ng jacket, isinabit ito sa sandalan ng upuan at saka muling tiningnan ang pagod na pagod na hitsura ni Alex.

"Mukhang inaabuso mo naman yata masyado ang sarili mo," puna nito.

"Kailangan kong magdouble time chief. Bakit naman kasi hanggang ngayon ayaw pa rin akong pagbigyang tapusin ng dire-diretso ang kasong ito ng walang mga kondisyones."

Komportableng naupo ang hepe sa kanyang desk at seryosong tiningnan sa mukha ang dalagang tauhan.

"Itigil mo na ang pag-iimbestiga sa kasong yan,"matigas at diretsong utos nito.

"Ho?!"

Mabilis na naupo si Alex sa harap ng opisyal at hinila pa papalapit dito ang upuan.

"A-Ano na naman ho bang order yan?"

"They denied our request for another extension instead pinapatigil na sa atin ang pag-iimbestiga. This time I couldn't do anything about it. Pinagbigyan na nila tayo ng isang buwang extension pero hanggang ngayon ay wala pa ring maibigay ang team niyo na kahit kaunting ebidensiya?

Nag-init ang pisngi ni Alex sa narinig na balita. "Ebidensiya? Eh ang hirap naman kasi sa kanila chief, ayaw nilang ikonsider na ebidensiya ang pagkakabaril kay Aling Cresencia at ang pag-atake sa akin. Ano pa ba naman kasing ebidensiya ang kailangan nila! Video mismo ng aktuwal na pagpatay kay Grace? Yun lang ba ang ebidensiyang papasa sa kanila?! Garapalan na ata ang pagtatakip ng heneral na yan sa mga kriminal ah!"

"VALDEMOR! Watch your words!" sigaw ng hepe habang dinuduro ang babae.

"Eh totoo naman chief eh! Lahat na lang yata ng ebidensiyang pinapakita ko ay hinahanapan nila ng butas at binabasura nila?!" di patitinag na sagot ng dalaga.

"Di ba ipinaliwanag ko na sayo na iba ang kaso ng pagkakabaril ng janitress sa kaso ni Grace! Tanging ang nag-uugnay lamang sa kanila ay ang pangingidnap sa kanya ng suspect pero hindi pa rin pwedeng mapatunayan na kaya siya binaril ng hitman ay dahil may kinalaman ito sa pagkamatay ni Grace! "

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon