[42] The Best Part of the Day (Final)

550K 10.5K 3.8K
                                    

                                      •••••

Bitbit ni Alex patungo sa desk ni James ang santambak na files. Mula beywang hanggang leeg ang hawak niyang mga pinagpatung-patong na folders kaya't ingat na ingat siyang huwag mabangga.

"Yan na lahat ang mga records na ituturn-over ko sayo," hinihingal na bigkas niya matapos mailapag ang mga bitbit sa mesa ng lalaki.

"Okay. Ilagay mo lang diyan at mamaya ko na aayusin," sagot ni James nang hindi tumitingin sa kanya habang abala sa computer.

"Kumusta pala ang bakasyon niyo ni Margareth?" tanong niya sa kasamahang mukhang hindi interesadong makipag-usap sa kanya.

"We had fun," tipid na sagot nito habang nakatingin pa rin sa computer.

Kababalik lang nito mula sa honeymoon at noon din lang siya nagkaroon ng pagkakataong kumustahin ito.

Napabuntong-hininga siya sa walang ganang pakikipag-usap sa kanya ng lalaki. Kanina pa halos ganito ang reaksiyon ng mga tao sa paligid niya.

"Now that you're going to have a lot of free time, I hope you'll visit my wife often para naman hindi laging ako na lang ang napapansin pag nababagot," wika ni James.

"Oo naman! Hindi mo na kailangang sabihin yan. Baka bukas nga eh maghapon na akong nakatambay sa bakery," nakangiting tugon niya.

Wala siyang natanggap na sagot mula sa kausap. Parang hindi nito narinig ang sinabi niya at patuloy pa rin sa ginagawa sa computer. Matamlay na bumalik siya sa kanyang mesa at napapabuntong-hiningang naupo. Huling araw niya na sa opisina at batid niyang binabalewala siya ng mga kasama dahil nalulungkot din ang mga ito sa pamamaalam niya sa trabaho. Napakabigat ng naging desisyon niyang iwan ang pinakamamahal na propesyon subalit kailangan niyang tuparin ang pangako sa kanyang pamilya at higit sa lahat kay Blake.

Naghahalo ang saya at lungkot sa kanyang dibdib. Inasahan niya man an pagdating ng araw na ito pero hindi pa rin ganun kadaling iwan ang trabahong minahal niya ng higit pa sa sarili. Subali't natutuwa rin siya dahil aalis siya ng may magandang pangalang maiiwan. Na wala siyang pagsisihan dahil hanggang sa mga huling sandali niya bilang pulis ay nagampanan niya ng mabuti ang kanyang mga tungkulin. Dagdag pa dito'y hindi na rin siya makapaghintay na tuparin ang pangako sa pamilya't kay Blake at iparamdam sa mga ito na handa na siyang humarap sa anumang mga pagbabagong darating sa buhay niya.

Isa't kalahating buwan pa lang ang nakakalipas simula nang mahuli si Pablo Garcia ngunit marami na ang nangyari sa loob lamang ng maiksing panahong iyun. Pormal nang nasampahan ng mga kaso ang lahat ng kasabwat sa mga krimeng ginawa ni Garcia. Natanggal na rin ito bilang director ng Golden Pacific. Boluntaryong nagwitness si Charlene Magdayao para sa kaso ng pamamaslang kay Grace at bumaliktad na rin si Wilson Chen matapos mailigtas ang anak nito mula sa mga tauhan ni Garcia. Dahil sa testimonya ng dalawa, pormal ng inihayag na murder at hindi suicide ang sanhi ng pagkamatay ni Grace.

Tumayo ring witness si Tyron laban sa sariling ama. Subalit matapos makapagbigay ng testimonya ay umalis din agad ito ng bansa para sundan at muling suyuin si Sophia sa Amerika. Nabanggit sa kanya ng binata na hindi ito babalik ng Pilipinas hangga't hindi kasama ang dating kasintahan.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon