[19] He's Into Her

427K 7.2K 5.4K
                                    

          

                                                              ****

Mabilis na tumatakbo si Alex patungo sa backstage nang hindi inihihiwalay sa kanyang tenga ang hawak na cellphone. Pinapakinggan niya pa rin ang bawat ingay na naririnig sa kabilang linya.

"Ano ba bitawan mo sabi ako!  Nasasaktan ako!"

"Kelan ka pa natutong maging suwail? Kapag hindi ka nagback-out sa pag-iendorso mo sa Golden Pacific, malalagot ka!"

"Who are you para diktahan ako! I'll do whatever I want to do! Arrrgh!"

Nanlaki ang mga mata ni Alex nang muling marinig ang nasasaktang boses ni Sophia.

"Nasaan ka Sophia?!"

Wala siyang narinig na sagot. Alam niyang imposible siyang makausap ng babae. Tiyak na tinawagan lamang siya nito ng palihim upang iparinig ang mga nangyayari.

Natatarantang hinanap niya ang madadaanan sa backstage. Wala siyang dapat sayanging oras bago pa man mapahamak si Sophia. Nahanap niya ang entrance subalit may guwardiyang nakabantay dito. Siguradong hindi siya nito basta-basta papasukin. Kung papasukin man siya ay tiyak na kakapkapan siya nito at tatanggalan ng armas.

Mabilis na nag-isip siya nang paraan kung papano makakalusot. Nagkataon namang sa mga sandaling iyon ay may isang babaeng crew na may dala-dalang mga damit na naglalakad papasok ng backstage. Sinamantala niya ang pagkakataon na lapitan ito at bago pa man nito marating ang entrance, hinila niya ito patungo sa madilim na bahagi ng lugar.

"Ssshhh huwag kang maingay pulis ako," bulong niya bago pa man ito makapalag at sabay pakita niya ng kanyang tsapa. "May kriminal akong hinahabol na malamang ay nasa dressing room ngayon. Kailangan kong makapasok sa loob ng walang ingay kung hindi ay magkakagulo at masisira yang show niyo kaya't sabihin mo sa guwardiyang nagbabantay sa entrance na kasamahan mo ako," mahinang sabi niya ngunit may himig ng pananakot.

"O-Opo," kinakabahang sagot ng crew.

"Akin na yang mga bitbit mo," sabay agaw niya sa mga damit at saka siya sumabay sa pagpasok.

Pagdating sa entrance, binati ng guwardiya ang crew at kinausap ito ng ilang sandali. Nagdire-diretso naman sa loob si Alex habang itinatakip sa sarili ang mga damit na bitbit.

"Oist sandali!" sigaw ng guwardiya nang mapansing may taong basta-basta na lang pumasok.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon