[23] Facing the Tiger's Eye

525K 7.6K 2.9K
                                    

                                                                        *****

Hinahaplos-haplos ni Alex ang kanyang labi't baba habang naniningkit ang mga mata at seryosong-seryosong tinititigan sa monitor ng kanyang desktop ang kumalat na litrato nina Blake at Debbie .

"Tinutorture mo ba ang sarili mo?" tanong ni James na noon ay nakaupo sa harap niya.

 "Does Margareth knows about your situation with Blake now?" dagdag pa nito.

Tumango siya nang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa larawan.

"How about your family?"

Sumagot siya ng simpleng iling.

"Hindi mo pwedeng itago yan sa kanila ng matagal," nag-aalalang sabi ng kasamahan.

"Naghahanap ngayon si Margareth ng malilipatan ko."

"For what?"

"Lilipat muna ako ng bahay habang magulo ang sitwasyon namin ni Blake at para makapagconcentrate ako dito sa kaso. Baka sumabog na ang ulo ko pag sumabay pa sa pressure ang pamilya ko."

"Papaano yan  meron na lang tayong limang araw para makapagpresent ng ebidensiya. Can we do it?"

Ngumisi si Alex, tumingin sa kausap at muling hinaplos ang kanyang baba. "Tulungan mo akong humingi ng extension kay Chief. Unti-unti nang nagkakalinaw sa akin ang lahat. May isang malaking tao na maaring nasa likod ng pagkamatay ni Grace. Hindi pa ako sigurado pero sa palagay ko kailangan ko lang siyang udyukan ng kaunti para matukso siyang magpakita ng itinatago niyang baho."

"Who?"

"Isa sa mga taga-Golden Pacific."

Ibinalik ni Alex ang mga paningin sa larawan. "James," tawag niya sa kasamahan.

"Why?"

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon