[31] A Day of Bizarre Love Expression

543K 9K 3.3K
                                    

                                                                   

                                                              •••••• 

Blag!Blag!Blag! 

Naalimpungatan si Blake sa kalabog na narinig. Nagpalit siya ng posisyon at dumapa ng higa. Tinakpan niya ng unan ang ulo at itinuloy ang pagtulog.

Blag!Blag!Blag!

Tinanggal niya ang nakataklob na unan at napilitang magmulat ng mga mata.

"BLAKE! GISING NA!"

Lumukot ang mukha niya nang marinig ang boses ni Alex. Kinapa niya ang alarm clock na nasa katabing side table. Pasado alas kuwatro pa lamang ng madaling-araw.

"BLAKE GISING NA SABI!" sigaw pa rin ng babae habang patuloy sa pagkatok ng malakas.

"What's wrong with that woman..."

Antok na antok pang tumayo siya at lumapit sa pintuan. Pupungas-pungas na pinagbuksan niya ang makulit na dalaga.

"F-For god sake Alex, it's four in the morning. What is your problem?"

"Mag-ayos ka na at maaga tayong aalis." Nakapamewang na sabi nito.

"W-Why?"

"May pupuntahan pa ako."

"I don't care kung may lakad ka. Why should I adjust my schedule to you?"

Tumalikod si Blake at muling nahiga sa kama. Tinakluban ulit ng unan ang mukha at bumalik sa pagtulog.

"Aba't tingnan mo tong taong to! Hoy gising na sabi!"

Hahakbang na sana si Alex papasok ng kwarto ngunit naalala niyang off-limits nga pala siya sa lugar na yun. Pinagsisigawan niya ulit ang lalaki ngunit parang wala itong naririnig kaya't napipilitan at napipikong pumasok siya sa loob. Binuksan niya lahat ng ilaw at nakapamewang na tumayo sa tabi ng kama.

"Sabi mo ako dapat ang bodyguard mo ngayon di ba? Hindi pwede ang iba, puwes kung yan ang gusto mo, kailangan mo ring mag-adjust sa schedule ko dahil may mga bagay na hindi ko rin pwedeng pabayaan!" pagbubunganga niya.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon