[33] The Untouchable Ex

540K 9K 2.2K
                                    

                                                       

            

                                                                        •••••••

Kausap ni Alex sa kanyang desk si Balatbat. Ipinapakita ng tauhang pulis ang mga litrato ng mga taong may matataas na posisyon sa mga kumpanya ni Pablo Garcia.

"Yan si Nestor Del Valle ang head ng fabric company ni Garcia. Naaresto yan dati sa kasong drug dealing pero nadismiss din dahil sa kakulangan sa ebidensiya. Eto naman si Mario Ferrer sa kanya nakapangalan ang isang malaking karaoke lounge ni Garcia. May record naman yan sa NBI ng carnapping pero pinakawalan din dahil wala rin daw matibay na ebidensiya. At eto naman si Gabriel Jimenez ang isa sa mga supervisor ng construction company. Dati na rin itong nakulong sa kasong homicide pero nakalaya din dahil ang sabi'y nabayaran daw ang pamilya nung biktima." paliwanag ni Balatbat habang inilalatag ang mga larawan sa mesa ng kapitan.

Dinampot ni Alex ang mga larawan at tinitigan ang mga ito. "Ibig sabihin maaring nasa likod din si Garcia sa mga krimeng nagawa ng mga taong ito," napapangising sabi niya.

"Malaki ang posibilidad!" madiing sagot ni Balatbat.

"Totoo nga ang narinig ko na napapaligiran ng mga hoodlums itong nagmamalinis na Garcia na ito."

"Tumpak ka diyan kap!"

"Nasundan mo ba ang mga taong ito?"

"Mission accomplished! Ang yayaman ng mga iyan at ang dalawa diyan tatlo-tatlo ang pamilya. Akalain mo kung ang tauhan ni Garcia ganyan na kayayaman, ano pa kaya siya?"

"Natural, mga illegal ang ginagawa eh. Pa front-front pa kunwari ng mga matitinong kumpanya," napapailing na komento ni Alex.

"Paano yan kap? Ang lakas pala ng Mr. Garcia na yan tapos tayo, dadalawa lang. Papaano natin yan mahuhuli? Mukhang imposible yata ang misyon na ito kap!" problemadong bigkas ni Balatbat.

"Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Makakahanap din tayo ng magandang tiyempo at tiyak na may darating din sa ating alas na makakapagpahina sa Garcia na yan," sagot ng dalaga nang may matatapang na mga mata.

Natigilan si Balatbat nang di sinasadyang napatitig sa ngingisi-ngising kausap. Napansin niyang may kakaibang sigla ang mukha nito. Mamula-mula ang mga labi at pisngi. Pati buhok nito ay ayos na ayos ang pagkakapuyod.

"Kap, may makeup ka ba?"

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon