[10] THINGS TO DEAL

477K 7.8K 504
                                    

 "Ano nagdalawang guhit ba?" hindi makapag-antay na tanong ni Margareth.

Taas noong inilapag ni Alex sa mesa ang may isang guhit lamang na pregnancy test kit. "Sinabi ko naman sayong wala kang dapat ipagdiwang dyan!" nagmamalaking sabi niya.

"May kukunin lang muna ako sa table ko. I'll give you guys few moments to discuss your female issues," ani James na siya nang kusang naasiwa sa usapan ng dalawang babae.

"Sandali Babes!" tawag ni Margareth. "Aalis na rin ako. Wala na kaming pag-uusapan ni Alex. Haist, sayang lang ang oras ng pinaghintay ko. Akala ko pa mandin may dahilan na para tumigil ka diyan sa mga pinagagawa mo ngayon," irap niya sa kaibigan.

Hinatid muna ni James sa parking si Margareth. Naiwan si Alex na nakatitig lamang sa pregnancy test pack. Napahawak siya sa dibdib sa tinding karuwagan sa paghinga na naramdaman. Itinapon niya ang pack sabay may naisipang gawin. Agad siyang humarap sa computer. "Contraceptives...How to use pills..." bulong niya sa sarili habang nagtatype.

Nagpalingon-lingon muna siya sa paligid saka tahimik na nagbasa ng impormasyong nakuha sa internet. Sa sitwasyon niya ngayon, mas lalong hindi siya dapat mabuntis.

"Pwede na bang ituloy ang pag-uusap natin?" sulpot ni James.

Napaigtad si Alex sa kinauupuan. Nakaupo na pala sa harap niya ang kasamahan.

"Mukhang seryosong-seryoso ka sa pagbabasa. Tungkol sa kaso ba yan?" tanong nito at sabay dako ng mga mata sa monitor.

Natatarantang pinatay niya ang computer. "Ah wala! Tinitingnan ko lang ang mga latest na articles tungkol kay Sophia Vasquez.. Balak ko kasing makipagkita sa kanya isa sa mga araw na to," nakangiting palusot niya.

"Ah I see, pero bakit kailangan mo pang patayin ang pc?"

"Oo nga pala, bakit ko nga naman pinatay? Siguro dahil nagulat ako. Alam mo na, nasanay na ang aking sistema sa pagiging alerto dahil sa pagsesekreto ko kay Blake. Ituloy na natin yung pinag-uusapan natin. Nasan na nga ba tayo?"

"About the janitress. Ipapatawag na ba natin siya? Sabihin mo lang at paiimbitahan ko na siya."

"Huwag muna. Magmamanman pa rin tayo at kasama na ang janitress sa mga oobserbahan ko. Mas hindi nakapagsisinungaling ang mga galaw kaysa sa mga salita." Tumayo si Alex.

"Where are you going?" taka ni James.

"Sa condo ni Grace, magmamasid-masid ulit. Sayang ang oras. Importante sa akin ang bawat minuto dahil maiksi lamang ang ibinigay kong panahon sa aking sarili para tapusin ang kason ito."

"Do you want an escort?"

"Huwag na, istorbo lang yan sa diskarte ko."

-----

Napatayo si Blake sa kanyang desk nang makita kung sino ang walang pasabing bisita na bumulaga sa kanyang opisina.

"Lo-... I mean chairman?"

Inayos ni Don Henry ang kanyang coat saka komportableng naupo sa mahabang sopa. Agad na pumasok ang sekretarya ni Blake at inalok ng maiinom ang dalawang amo.

Naupo si Blake sa tapat ng chairman. Nabahala siya sa pagdalaw nito. Pagdating sa kumpanya, napakaimportante ng oras nito para magawa pa siyang puntahan sa kanyang opisina.

"If you need to talk to me then you should've told me to visit your office instead," mapagkumbabang wika niya.

"It's alright gusto lang ng lolo mo na bisitahin ang personal na opisina ng kanyang apo. I'll be flying to France tonight so I want to see you before I leave."

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon