[4] RECIPE OF HAPPY HEARTS

605K 10K 935
                                    


Gigil na gigil na nakikipagtuos ang mga ngipin ni Alex sa ginawang cookie habang may mga pahid ng harina sa mukha na nagkalat din sa nakapuyod na gusot na buhok. Napapangiwi sa sobrang tigas ng kinakagat.

"Aish! Masisira ang ngipin ko sayo!"

Iritableng binato niya ang pagkain papabalik sa tray at nakapamewang na tinitigan ang kaaahon pa lamang mula sa oven na mga cookies.

"Bakit ba pagdating sa pagluluto wala na akong magawang tama?!" napapakamot sa ulong reklamo niya sa sarili sabay pagpag sa balikat sa mga harinang nalaglag mula sa buhok. Nakasimangot na dinampot muli ang cookie, itinapat sa mukha at pinandilatan.

"Ikaw! Dalawang oras ang inubos ko sa paggawa sayo tapos hindi ka man lang makisama! Ano bang problema mo? Bakit ayaw mo magpakain? Sinunod ko naman ang instruction sa internet ah, tama naman ang mga ingredients ko pero ba't ganyan pa rin ang kinalabasan mo?! Matigas ka pa sa bato!"

Binitawan niya ang cookie at binatukan ang sarili. "Ang tanga-tanga mo talaga Alex kaya hindi sineseryoso ni Blake ang mga niluluto mo eh. Ang tagal-tagal mo nang nag-aaral magluto pero palagi ka pa ring palpak!"

Natigilan siya sa panenermon ng sarili nang biglang naalala si Margareth. Nagliwanag agad ang kanyang mukha. Nagmadali siyang komontak sa skype. Hatinggabi na sa Pilipinas ngunit wala siyang pakialam.

"O bakit?" bungad sa kanya ng kaibigan.

"Gising ka pa?" malambing niyang sagot dito.

"Malamang dahil nakakausap mo pa ako. Bakit ngayon mo lang ako naisipang tawagan? May problema ka ba kaya mo ako naalala?"

"Marunong ka bang gumawa ng cookies?"

"Ikaw kaya ang tanungin ko kung marunong kang humawak ng baril?!"

"Natural dahil pulis ako!"

"Pwes natural din dahil bakery ang negosyo ko!"

"Ang dami mo namang sinasabi sasagot ka lang ng oo o hindi."

"Paano napaka wrong timing mo tumawag. Ano ba ang sasabihin mo bilisan mo at busy ako."

"Hatinggabi na busy ka pa rin?"

"Alex ano ba! Bilisan mo."

"Nababagot ako kaya nagtry ako gumawa ng cookies kaso ang tigas eh. Turuan mo nga ako. Magta-try ulit ako habang nasa school pa si Blake. Mamaya pa ang uwi nun kaya kailangan kong may magawa, ayokong maboryong."

"My god Alex nasa amerika ka na't lahat hindi mo pa rin talaga ako tantanan sa pang-iistorbo mong yan! Pwede ba utang na loob maliit na problema lang yan para paabutin mo pa dito sa Pilipinas. Manghingi ka ng tulong sa google!"

"Ginawa ko na. Dun ko nga binase ang instruction na sinunod ko eh kaso palpak eh. Hindi makain sa tigas."

"Baka may mali sa ginamit mong ingredients, o kaya nasobrahan sa taas ang temperature ng oven mo o baka naman nasobrahan ka sa kakamasa ng dough. Pati pagmamasa hitsurang binubugbog mo rin ata eh."

"Eh ano ba kasi ang tama?"

"Aish Alex pwede ba bukas na lang natin pag-usapan yan at may ginagawa ako! Hindi ako pwedeng makipag live patch sayo ngayon."

"Sige na nga. Bye!"

"Teka, teka sandali! Open mo ang webcam at gusto kong makita ang ipinagmamalaki ni Tita Sylvia na blooming na blooming daw na mukha ng anak niya," habol ni Margareth.

Nakabusangot na binuksan ni Alex ang camera.

"Ay multo!" bulalas ni Margareth nang makita ang patsi-patsing mukha ng kausap. "Ano ka ba Alex? Ang harina inihahalo sa tinapay hindi inilalagay sa mukha!"

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon