[34] Room for Temptations

529K 8.5K 1.1K
                                    

                                                                           

                                                                       •••••

Naiinis na naghubad ng jacket si Alex at ibinato ang damit sa kama. Nagtanggal din siya ng sapatos at pagkuway isa-isa itong sinipa patungo sa isang sulok. Walang tigil siya sa pagpaparoo't parito sa apat na sulok ng kanyang kuwarto. Napapasabunot siya sa sarili habang nag-iisip kung papaano magpapaliwanag kay Tyron. Pinangangambahan niyang baka umiwas na ito sa kanya dahil sa nangyari. Hindi malayong nagalit ito sa ginawa niyang pang-iiwan dito.

Sinisisi niya ang sarili. Bakit ba kasi nagpaapekto siya sa pagseselos ni Blake? Wala naman sana siyang balak sumama dito pauwi kaya lang umandar din ang selos sa kanya. Naisip niyang baka balikan nito ang kasamang malanding babae at kung saan pa ng mga ito maisipang pumunta.

Tumingin siya ng matapang sa direksiyon ng kuwarto ni Blake. Nanggigil na napakuyom siya ng mga kamay. Lumabas siya ng silid at dali-daling kinatok ang binata.

Blag!Blag!Blag!

"Hoy Blake lumabas ka diyan! Mag-usap tayo!"

Blag!Blag!Blag!

Pinagbuksan siya ng lalaki at sinalubong niya agad ito ng matatapang na mga titig.

"Sisirain mo ba itong pinto ko? Can't you knock properly?" salubong ang kilay na bungad nito sa kanya.

"Mag-usap tayo."

"Tungkol saan?" nagmamaang-maangan pang tanong nito.

"Sa ginawa mong eksena sa harap ni Tyron!"

Tumahimik ng ilang saglit si Blake. Humakbang ito papalabas ng pinto at lumapit sa kanya. Inilapit nito ang mukha na halos dumikit na sa mukha niya at tinitigan siya nang malapitan.

"Are you angry?" mahinang tanong nito nang may nanunuksong boses.

"Oo! Hindi pa ba obvious?!" matapang na sagot niya.

Ngumiti ang lalaki."Masyado atang delayed ang reaction mo. Kanina lang ay para kang isang maamong tupang nakaupo lang sa kotse. What is this outburst all about wifey?" nang-aasar pang bigkas nito.

Umatras siya papalayo sa nakatututok na mukha ng kausap. Namewang siya at tinaasan ito ng kilay.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon