[25] The Lost Love of the Lost Soul

476K 11.1K 3.5K
                                    

                                                                   

                                                                       ******

Nakalabas na ng ICU si Aling Cresecia. Inilipat na ito sa isang pribadong kuwarto ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin ito gaanong maidedeklarang ligtas dahil nananatili pa rin itong comatose. May nadamage itong ugat na konektado sa utak kaya't hindi matiyak ng doktor kung kelan ito magigising o kung may pag-asa pa ba itong magising.

Ramdam na ramdam ni Alex ang pagkakadurog ng nagmamatapang niyang puso habang nasa silid ng pasyente. Nagpipigil siyang magpakita ng lungkot habang pinagmamasdan ang dalawang lalaking apo ng pasyente na noon ay parehong may nagdadalamhating mukha. Si Kaloy, ang nakatatandang apo na nasa edad trese, ay nagpupunas ng katawan ng kanyang lola samantalang angsiyam na taong gulang namang si Val ay nakaupo sa tabi ng kama habang nakatungo at humihikbi.

Hindi niya nakakalimutang sila ang tanging ibinilin ng matanda bago ito mawalan ng ulirat.

"Kumain na ba kayo?" tanong niya.

"Oho," sagot ni Kaloy.

"Bakit mukhang hindi naman nabawasan and dala kong pagkain?"

"Tinapay lang ho ang kinain namin, wala po kasi kaming gana," matamlay na sagot ng nagpupunas na bata.

Inilipat niya ang atensiyon sa malungkot na batang humihikbi. "Val may malapit na Mcdonald dito, gusto niyo bang lumabas muna at doon kumain?" nakangiting sabi niya.

Umiling si Val. "Huwag na ho. Wala ho kasing kasama dito si lola."

Bumuntong-hininga si Alex at muling tiningnan ng seryoso ang dalawang bata. "Sino ang nakakasama niyo ngayon sa bahay?"

"Kaming dalawa lang ho," sagot ni Kaloy.

"Wala bang ibang nag-aasikaso sa inyo maliban sa lola niyo?"

"Wala ho."

"Nasaan ang mga magulang niyo?"

"Sanggol pa lang ho si Val ay namatay na ang tatay namin. Ang nanay naman ho namin ay nagpuntang abroad nung pitong taong gulang pa lamang ako at simula noon, hindi na siya umuwi. Nagkaroon na daw ng ibang pamilya. Mga apat na taon na ang nakakaraan nang huling nagkaroon kami ng balita sa kanya."

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon