[8] TAMED GIRL GONE FIERCE AGAIN

576K 8.3K 561
                                    


"You look uneasy," puna ni Blake sa kasintahan. Nakaupo siya sa mesa at may binabasang papeles.

Di maikaila ang pagkaasiwa ni Alex habang nakaupo sa puting sopa. Iniiwas ang mga mata sa mga empleyadong maya't mayang napapasulyap sa kanya mula sa glass wall. Ramdam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Nakakahiya. Tingnan mo naman ang hitsura ko baka isipin ng mga staff mo na bodyguard mo ako," pahayag niya habang pasimpleng itinatakip ang kamay sa mukha.

"Who told you to come here wearing your gangster style?" ngisi ng binata.

"Nagtatanong ka pa. Alam mo naman kung ano ang ipinunta ko dito. Nahuli mo na nga ako di ba?" maktol niya.

"So is it my fault now?" biglang pagseseryoso ni Blake.

Agad na lumambot ang mukha ni Alex "Hindi... Kasalanan ko," ngiti niya.

"Why do you worry about your looks? I brought you here to show you my office, hindi para sa mga empleyado. Or baka naman gusto mong maging maganda sa mga mata ng mga male employees?"

Inismiran ni Alex ang kunway nagseselos na lalaki." Huwag mo nga akong paandaran diyan. Kung may dapat magselos sa atin, ako yun. Sandaling oras pa lang ako dito, kung ano-ano na ang mga naririnig ko mula sa mga babaeng nagkakandarapa sa atensiyon mo!"

"I can't do anything about it. Your boyfriend is irresistible, handsome and lovable. I guess I'm fated to be loved by women."

Unti-unting lumaki ang mga butas ng ilong ni Alex habang tinititigan ang nagmamayabang na kasintahan.

"... but don't worry they can all set their eyes on me while I can only set mine to you," sabay bawi at kindat nito.

Unti-unting nagseryoso ng mukha si Alex. Naalala niya si Grace dahil sa biro ng lalaki. Tahimik niyang pinagmasdan ang nagbabasang binata habang nakikipagbiruan sa kanya.

"Blake..." pagseseryosong wika niya. 'Y-Yung nagsuicide na empleyado, nakita mo na ba minsan yun dito sa building?"

"I told you, hindi ako tumitingin sa ibang babae."

"Blake tinatanong kita ng seryoso!"

Nag-angat ng mukha si Blake at napapangiting tiningnan ang bahagyang naaasar na mukha ng kausap. "No. I don't even know her name."

"Divine Hillary Francisco. Yan ang pangalan niya. Wala bang nagpakilala sayo nang may ganyang pangalan?"

"Ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyan. And even if I met her before, I don't think I'll remember her face sa dami ng mga empleyado dito."

Nagmamadaling dinukot ni Alex ang planner sa bulsa ng kanyang jacket. Kinuha niya ang nakaipit ditong litrato ngunit bago ito ipakita sa boyfriend, tinupi niya ang parte ng kuha ni Sophia. Lumapit siya kay Blake at ipinatong ang nasabing larawan sa binabasa nito.

"Ano to?" taka ng lalaki.

Itinuro niya ang mukha ni Grace. "Yan! Yan si Ms. Francisco. Tingnan mong mabuti. Alalahanin mo kung minsan ba ay nakausap o nakasabay mo na yan."

Tinitigan ni Blake ang larawan. "Her face doesn't look familiar at all."

"Sigurado ka?"

"Yeah, I'm sure."

Napansin ni Alex na nahalata ni Blake na may nakatuping parte ang larawan. Mabilis niyang binawi ang litrato bago pa man ito usisain ng lalaki.

"But I know the guy in the picture." dugtong ng binata.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon