[9] SELF-REFLECTION

488K 7.6K 421
                                    


Nakatulog si Alex sa sasakyan dahil sa pagmamanman sa labas ng gusali ng condominium ni Grace. Nagising lang siya nang pasukin na nang sinag ng araw ang kanyang bintana. Nataranta siya nang malamang umaga na. Tumawag si Blake sanhi para lalo siyang magpanik. Tumikhim muna siya.

"Aaaah-aaaah...." pagklaro niya sa boses bago sagutin ang lalaki. "Good morning! Late na yang wake up call mo. Kanina pa ako gising," kunwa'y masiglang sabi niya

"Good morning. Kumusta ang tulog mo? Mahimbing ba kahit hindi mo ako katabi?"

"Mahimbing pa rin. Kasi kahit hindi kita katabi kasama ka pa rin naman sa panaginip ko," malambing na pagsakay niya sa biro ng boyfriend. "Nagbreakfast ka na ba?"

"Not yet. Katatapos ko lang magshower. I'll pick you up after an hour. Ihahatid na kita sa headquarters."

Patay! Isang oras? Kulang yun bago siya makarating ng bahay at makapag-ayos ng sarili! "B-Blake afer one and half hour mo na lang ako sunduin. M-May pinahid kasi ako sa mukha ko na kailangan kong ibabad ng thirty minutes."

"Alright, I guess that won't hurt my schedule."

"Sige. Bye."

"Bye. I love you."

"I love you too."

Mabilis pa sa alas kuwatrong pinaharutot niya ang kotse. Mistulang nakikipagkarera sa kalsada sa sobrang bilis. Pagdating sa bahay ay tumatakbo siyang pumasok. Naabutan niya ang kanyang pamilya na nag-aalmusal. Sabay-sabay ang mga itong napalingon sa kanya nang may mga nagtatakang reaksiyon.Hindi siya namansin. Dire-diretso lamang siya sa pag-akyat patungo sa kuwarto. Subalit nang nasa kalagitnaan na ng hagdan, hindi niya rin natiis ang sarili. Bumalik siya sa hapag kainan at humalik sa pisngi ng kanyang lolo.

"Good morning po, Lo."

"Good morning iha. Nag-almusal ka na ba?"

"Mamaya na ho lo, mag-aayos lang po ako. Good morning dad, ma," halik niya rin sa pisngi ng mga magulang.

"Good morning. Ba't ganyan ang hitsura mo? Hindi ka pa nakakapag-ayos. Akala ko ba sa kabila ka natulog? Bakit napadaan ka dito? May nakalimutan ka ba? Kasama mo ba si Blake?" umpisa na ng sunud-sunod na pangungusisa ng ina.

"Hindi ko kasama si Blake. Hindi na ako nagpahatid tutal may dala akong sasakyan. Dito ko naisipang magbihis, wala kasi akong magustuhan sa mga damit ko sa kabila," sunud-sunod na ring sagot niya para wala ng kasunod na mga tanong. "Sige ma, mag-aayos na ako dadaanan pa rin kasi ako ni Blake," sabay pagmamadali niya ulit sa pag-akyat sa hagdan.

"Bakit kasi hindi pa kayo magsama nang tuluyan! Ako ang nahihilo sa paroo't parito ninyong dalawa!" sigaw ni Sylvia. "MAY BINILI PALA AKONG MGA DAMIT PARA SAYO NASA KUWARTO KO. YUN ANG ISUOT MO KUNG GUSTO MO!"

"SAKA KO NA TITINGNAN MA, NAGMAMADALI KASI AKO!"

Mabilisang naligo at nag-ayos si Alex. Nagbihis siya ng puting long sleeve, hanggang tuhod na itim na palda, closed high heels. Naka tuck-in ito sa hanggang tuhod na itim na palda. Nagsuot siya ng itim na closed high heels. Itinali nang mataas ang buhok at nilagyan ng maliit na ipit ang bandang bahagi ng kanyang bangs.

Kumuha siya ng malaking bag. Inilagay doon ang ilan sa mga komportableng damit. Jackets, t-shirts, pantalong maong, tig-isang pares ng rubber shoes at leather boots. Nagsuot ng leg holster. Naglabas ng baril mula sa cabinet. Ikinasa saka isiniksik sa kanyang hita.

Lumabas siya ng kuwarto bitbit ang malaking bag.

"Saan ka pupunta? Lilipat ka na kina Blake? Sa wakas ay mukhang nakapagisip-isip ka na ng maayos," taka ng ina.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon