[16] TRUST AND NEGLIGENCE

426K 7K 1.4K
                                    

"Totoo nga ang sabi ng mga officemates ko na sobrang sarap sa restaurant na to. No wonder kung bakit ang mahal dito," sabi ni Hazel habang dinadampian ng tissue ang bibig.

"Mabuti naman at nag-enjoy ka sa lunch natin. Abswelto na ba ako sa kasalanan ko sayo?" nakangiting wika ni Alex.

"Oo naman, bawing-bawi na ho kayo. Sobra-sobra pa!" namimilog ang mga matang sagot ng empleyada.

"Gusto mo pa ba ng dessert?"

"Tama na Ma'am Alex busog na busog na ho ako!" Iginala ni Hazel ang mga mata sa magarang restaurant. "Salamat ha kung hindi dahil sa inyo hindi pa ako makakain sa lugar na to."

"Hindi ka ba isinasama ng mga officemates mo pag kumakain sila dito?"

Tumamlay ang mukha ni Hazel at nahihiyang ngumiti."Hindi ko kayang makipagsabayan sa mga sosyal kong mga officemates. Ako ang bread winner sa amin kaya nakabudget na ang buong suweldo ko. Actually, ang pinakaluho ko lang ay ang mag-ayos ng sarili at mamili ng mga discounted na signatures na mga damit dahil kahit papaano ayokong magpahuli sa hitsura at pananamit ng mga empleyado dito. Bukod dun wala na, lahat pagtitipid na," sabay tingin ulit sa paligid. "Balak nga sana akong ilibre ni Divine dito kaso bago pa man mangyari yun, alam mo na..." mahina at malungkot na sabi nito.

Umayos ng upo si Alex ."Sa ganitong mga restaurant din ba hilig kumain ni Divine?"

Tumango ang kausap..

"Sabi mo dati isinasama ka niya pumunta sa mga bar, may pagka high maintainance pala ang lifestyle ni Divine. Pero teka, di ba pareho lang kayo ng posisyon sa opisina so pareho lang kayo ng kinikita?...Ahh, siguro kasi hindi siya bread winner sa kanila," kunway wika niya.

"Magkaiba naman kasi kami ni Divine. Hindi ako kasing suwerte niya."

"Anong pagkakaiba ninyong dalawa?"

"M-May lalaking nagmamahal sa kanya at binibigay lahat ng gusto niya," mahina at nag-aalangang sagot ni Hazel.

Lihim siyang natuwa sa pagsasalita ni Hazel subalit nanatiling natural ang kanyang reaksiyon. Ayaw ipahalatang inimbitahan niya ito upang mamimingwit ng impormasyon. "Pana-panahon lang naman ang pag-ibig na iyan. Huwag kang mag-alala, darating din ang tamang lalaki na magmamahal at mag-aalaga sayo. Malay mo mayroon palang nakatakda sayong mas gwapo at mas mayaman," kunway positibong saad niya.

"Sana nga magdilang-anghel kayo. Aaminin ko na kaya ako patay na patay dati kay Sir Blake dahil siya talaga ang ideal man ko. Gwapo, matalino at higit sa lahat mayaman," nahihiyang pag-amin nito. "Kaya lang nang makilala ko kayo, naglaho lahat ng pag-asa ko," nakatawa nang dugtong nito.

Tinawanan niya lang ang narinig.

"Bilib ako sa inyo kung bakit hindi kayo bantay sarado kay Sir Blake. Naku kung ako kayo itaitali ko siya sa katawan ko!"

"Sanay na ako. Makukunsumi lang ako kung iisipin ko ang mga babaeng naghahabol sa kanya."

"Kunsabagay sa opisina pa lang namin, kung isa-isa mong haharangin lahat ng pumapantasya kay Sir Blake baka sa opisina ka na tumira," sabay tawa ng malakas ni Hazel.

Sumandal siya nang maayos sa silya at medyo nagseryoso. "Si Divine, kasama ba siya sa mga nagkakagusto kay Blake?" kaswal na tanong niya.

"Hindi."

Napakunot siya ng noo.

"Seryoso si Divine, pagdating sa lovelife niya. Mahal na mahal niya rin ang boyfriend niya. Siya nga lang ang hindi naapektuhan sa amin kapag nakikita o nakakasalubong namin si Sir Blake."

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon