[11] THE RETURN OF A FRIEND

464K 7.4K 1.8K
                                    

 "Sophia pahinging autograph!"

"Papicture naman Sophia!"

"Ang ganda mo Sophia Vasquez. I love you!"

Mula sa di kalayuan tinatanaw ni Alex ang sikat na dalaga habang papasakay ito sa SUV at pinagkakaguluhan ng mga tagahanga. Nakakubli siya sa isang puno  habang kinakausap ng tingin ang isang lalaking mukhang snatcher na nakatayo mga ilang metro ang layo. Sumakay ang modelo at umandar ang sasakyan nito, sinenyasan niya ang nakatayong lalaki. Nang malapit na sa kanila ang sasakyan, bigla patakbong tumawid ng kalsada ang lalaki.

Kunwa'y hinabol niya ito. "Hoy bumalik ka dito! Magnanakaw ka!"

Huminto siya sa gitna ng kalsada at lumingon sa paparating na sasakyan. Pumereno ng malakas ang SUV at napahinto ito sa eksaktong kinatatayuan niya. Ibinundol niya ng kusa ang katawan. Humandusay sa kalsada at kunway nahimatay.

"Miss! Miss! Okay ka lang?" sigaw ng driver.

Hindi gumalaw si Alex at nanatiling nagkunwaring walang malay. Binuhat siya ng driver at tarantang isinakay sa sasakyan. Sa mga sandaling iyon ay ipinapanalangin niya na sana ay natatandaan pa rin siya ni Sophia para maging madali ang balak niyang pakikipaglapit.

" Nakasagasa ka ba manong? Oh my god! I'm about to die in nervousness!" dinig niyang salita ni Sophia habang inaayos ng drayber ang pagkakasandal niya sa upuan.

"Hindi ko alam Ma'am kung natamaan ko siya. Dalhin na lang ho natin sa hospital!"

"Hurry up Manong! She looks hurt!"

Iniupo siya sa tabi ni Sophia. At nang maramdaman niyang umaandar na ang sasakyan, umungol siya nang mahina.

"Huh? She's moving now!" ani Sophia.

Saka siya unti-unting nagmulat ng mga mata. Nakatutok sa kanya ang mukha ng modelo at nang magkatitigan sila ay bigla itong napakunot ng noo.

"M-Maya?" naghahalong pagtataka at pagkagulat na sambit nito.

Nagkunwari din siyang nagulat pagkakita sa babae. "S-Sophia?"

"Oh my god! Manong I know her! Maya, ikaw nga!" bulalas ni Sophia at kinapa-kapa siya nito sa katawan. "Are you hurt?! We're bringing you to the hospital now," anito nang may nanlalaking mga mata sa pag-aalala.

Umayos siya upo at nag-inat ng leeg. "O-Okay lang ako, hindi naman ako nasaktan. Huwag niyo na akong dalhin sa hospital."

Nakahinga nang maluwag ang driver.

"But you fainted. Baka you're hurt somewhere else kaya dapat ka pa ring madala sa hospital," pagpupumilit ni Sophia.

"Nahimatay ako dahil sa matinding pagkagulat pero hindi naman ako tinamaan ng sasakyan. Kaya huwag kayong mag-alala, okay lang ako," nakangiting sabi niya at sabay tingin niya sa driver. "Huwag niyo na akong dalhin sa hospital Manong. Itabi niyo na lang ho bababa na ako."

"Sigurado kayo Miss?"

"Oo itabi niyo na lang ho ang sasakyan," maamong sabi niya.

"Wait! You can't just leave like that. Although medyo awkward ang muli nating pagkikita, masaya ako na nagkita ulit tayo. Let's have some coffee somewhere. Pwede pa ba tayong magkwuntuhan?" nakangiting aya ng modelo.

Bingo! Hindi masukat laki ng ngiti niya sa isipan. Kunway nag-isip muna siya saka ngumiti. "S-Sige...natutuwa rin akong makita ka uli. Kaya lang hindi ka ba busy ngayon?" pakipot na sabi niya.

"I'm done with my appointments for the day. Pwedeng-pwede tayong magkumustahan ng matagal! How about you? Do you have some spare time now?"

"Okay din lang sa akin."

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon