[36] Unbeatable Hearts

530K 9.5K 3K
                                    

                                                                 

                                                                  •••••

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Kalmadong nakaupo si Alex sa gitnang bahagi ng van habang tinatandaan ang daang tinatahak ng sasakyan. Napapagitnaan siya ng dalawang lalaki. Ang nasa kaliwa ay tinututukan siya ng baril samantalang ang nasa kanan naman ay binabantayan kahit pagkurap niya. Kung hindi ba naman tanga't kalahati ang mga dumukot sa kanya, mas pinili pa ng mga itong takpan ang bibig niya kaysa piringan siya. O baka naman kampante ang mga itong hindi na siya makakabalik ng buhay kaya hindi na nag-alala pa kung matandaan man niya ang mga daan.

Masukal na kalsada ang kanilang tinatahak. Pinili ng mga lalaki ang mas mahabang daan kesa sa shortcut na mga kabayanan naman ang dadaanan. Nagdadalawang-isip si Alex kung mag-iisip ng paraang makakatakas o hahayaan ang sariling mabitbit sa kung saan man siya dadalhin ng mga lalaki. Malakas ang kutob niyang ito na ang pagkakataong makaharap ang totoong salarin.... subalit naiisip niya si Blake. Nakapangako siyang uuwi ng maaga. Baka totohanin nitong hindi kumain habang naghihintay sa kanya.

"Putek! May checkpoint!" bulalas ng driver.

"Ano?! Paano nangyari yan?! Akala ko ba klarado ang daang ito!" sabi ng lalaking tumututok ng baril sa dalagang pulis.

Nadagdagan ang lukso ng adrinaline ni Alex. Pagkakataon niya nang gumawa ng paraan para makatakas. Natanaw niya ang limang mga kalalakihang nakauniporme ng pang militar. Nakatayo ang mga ito sa kalsada na pawang nakahanda na sa pagharang sa paparating na sasakyan. Lahat ng mga ito ay may bitbit na m16 armalite.

"Anong gagawin natin?" tarantang sabi ng driver habang binabagalan ang takbo. "Babalik ba tayo?!"

"Hindi pwede! Mahahalata tayo!" tutol ng lalaking balbas sarado. "Alam ko na ang gagawin natin!"

Kinalagan si Alex ng tali sa mga kamay ng lalaki at tinanggalan ng tape sa bibig. Subalit nanatiling may nakatutok na baril sa tagiliran niya. Pinahiran din ang gilid ng duguang mga labi niya.

"Kumilos ka lang ng natural. Huwag na huwag kang magkakamaling magsalita kung ayaw mong kalabitin ko ang baril na ito," babala sa kanya ng katabi.

Tumango siya at umaktong tila isang maamong tupa subalit alerto ang kanyang mga mata. Nakita niyang maliban sa baril na patagong nakatutok sa kanya ay isiniksik ng mga kidnappers ang kani-kanilang mga armas sa isang lihim na taguan sa ilalim ng upuan. Maya-maya lamang ay narating nila ang checkpoint. Kumaway ang mga armadong militar upang patigilin ang van.

Huminto ang driver at ibinaba nito ang bintana. "Kumusta mga pare? May problema ba sa lugar na ito?" kunway palakaibigang bati nito.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon