[35] The Divine Story

516K 7.8K 1K
                                    

           

                                                                          ••••••

Nakabuntot si Alex sa sasakyan ni Tyron. Papunta silang Sta. Rosa, Laguna. Galing na silang Muntinlupa pero doon ay nalaman nila mula sa kapatid ng babaeng hinahanap na lumipat na daw ito sa Laguna kung saan malapit sa kasalukuyang pinagtatrabahuan nito.

Huminto ang sasakyan ng sinusundang kasama sa tapat ng isang coffee shop  kaya't huminto rin si Alex. Magkasunod nilang itinabi at ipinarada ang kani-kanilang mga sasakyan sa harap ng nasabing lugar.

"Care to have a break?" salubong sa kanya ni Tyron pagkalabas niya ng sasakyan.

Tumingin siya sa relos. Kaya pa ng oras. Inaalala niya kasi ang pangako kay Blake na pipilitin niyang makauwi bago lumubog ang araw.

"Okay lang," sagot niya nang may ngiti.

Pumuwesto sila sa mesa sa labas ng coffee shop. Magkaharap silang naupo at omorder ng tig-isang kape. Pagkuway naglabas ng isang paketeng sigarilyo si Tyron. Nagsindi ng isa at nagdekuwatro.

"You want?" alok nito.

"Hindi ako naninigarilyo," tanggi niya.

"Good girl," biro ng lalaki.

Sumagot siya ng simpleng ngiti. Walang naganap na pag-uusap habang hinihintay nila ang order. At nang dumating ito tahimik siyang humigop sa tasa at palihim na pinagmasdan ang kasamang maya't mayang napapabuntong-hininga habang nakatingin sa kalsada. Sa bawat buga nito ng usok, pansin niyang nag-iisip ito ng malalim.

"Naninigarilyo ka pala," komento niya.

"I quitted when Sophia and I were still together. She didn't like it. But since we broke up already, I occassionally smoke again. Sometimes I couldn't help it specially when I'm stressed."

"Pagod ka na ba sa pag-iikot natin?" nag-aalalang tanong niya.

Ngumiti ang lalaki. "Not really. I'm actually enjoying it. Ganito pala ang buhay ng isang detective. How about you? Are you tired?"

"Balewala ito. Sanay na ako sa ganito," ngingiti-ngiting tugon niya.

Uminom ulit siya ng kape at humitit naman ng sigarilyo ang lalaki. Muling dumaan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Pasimpleng sinusulyapan niya ang kasama. Napansin niyang maya't maya pa rin itong humihinga ng malalim.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon