Chapter 8 - Talk To Her

1.7K 54 10
                                    



DAHYUN'S POV :



Alam kong nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali hindi lang sa mga kaibigan ko pati na rin sa sarili ko . Napakatanga ko dahil nagsinungaling ako sa kanila sa kabilang ng lahat ng pagtitiwalang ibinigay nila sakin at sa lahat ng efforts nila mapasaya lang ako . Bakit ba kasi ang hina ng kokote ko at hindi ko man lang nainis kung anong mararamdaman nila ?! Napakaduwag ko dahil hindi ko agad naamin sa kanila na nagkarelasyon kami ni Vernon . Ngayon , Wala na ! Nasira ko na ang tiwala nila sakin .

Naiintindihan ko naman si Nayeon Unnie eh . Palagi siyang nandiyan sa tuwing kailangan ko siya . Palagi ko rin naman siyang nakakatampuhan pero ni isang beses hindi niya ko nagawang saktan . Kaya nga , Importante sakin si Nayeon Unnie . Ayokong mauwi lang sa wala ang pagkakaibigan naming dalawa . Tatanggapin ko naman kung di niya ko mapapatawad . Kung ako ang nasa kalagayan niya , ganun din ang mararamdaman ko . Normal lang na magalit sakin dahil duwag ako.

Sa pagpasok ko sa loob ng kwarto naming mga Maknaes , Naabutan ko si Tzuyu at si Chaeyoung na tahimik lang sa loob . Natigilan ako nang makitang mukhang malungkot na malungkot si Chaeng . I looked at Tzuyu kaso bigla siyang tumayo .

''Maiwan ko muna kayo , Lalabas muna ko . May kukunin muna ko sa labas'' Sabi niya samin sabay labas.

Napatingin naman ako kay Chaeng na mukhang aalis din ng kwarto kaya naman agad ko siyang hinawakan sa kamay sabay yakap sa kanya nang mahigpit .

''Chaeng , Patawarin mo ko . Alam kong nagtatampo ka sakin . Alam kong nasaktan ka sa nalaman mo . I'm so sorry'' Sabi ko sa kanya.

''U....Unnie , Bakit ?! Bakit ka nagsinungaling ?! Hindi lang ako nasaktan kundi SOBRA kong nasaktan !'' Sagot niya . Napansin ko namang parang umiiyak na siya kaya naman agad kong pinunasan ang luha niya.

''Chaeng , Don't Cry ~ Pasensya ka na , Patawarin mo ko . Sana mapatawad mo ko . Nakagawa ako ng pagkakamali at pinagsisisihan ko na yun'' Sabi ko sa kanya sabay punas ng luha niya.

''Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman . Gusto kong magalit sayo pero di ko magawa ! Gusto kitang kamuhian sa ginawa mo pero di ko kaya ! Ikaw parin yung Dahyun na ka-close ko ! It's still you KIM DAHYUN'' Sabi niya sakin habang umiiyak.

''Chaeng , Ayos lang kahit na magalit ka sakin . Sige lang ! Kagalitan mo ko ! Sampalin mo ko . I deserved it ! Deserved kong maparusahan ! Chaeng ~ Saktan mo ko !'' Sabi ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya sabay akmang isasampal sa pisnge ko.

''Sa tingin mo , Anong ginagawa mo ?! Bingi ka ba ?! I said di kita kayang saktan ! Mahal kita eh ! Importante ka sakin ! Paano ko sasaktan ang taong gusto kong protektahan ?! I want to protet you Dubu Unnie . Kahit na napakatanga mo ! Oo ! Ang tanga-tanga mo kasi hindi mo man lang nari-realize ang mga bagay-bagay sa paligid mo !'' Sabi niya sakin.

''I'm Sorry Chaeng , It's time na para saktan mo ko ! Saktan mo ko ! Wag mo kong sanayin sa ganito ! Ipatikim mo sakin ang galit ng isang SON CHAEYOUNG ! Alam mo ..... Mas makakabuti pa kung aalis na lang ako eh . Tatapusin ko na 'to . Hindi ako karapat-dapat sa group na 'to'' Sabi ko sa kanya.

Bigla naman niya kong hinampas sa braso . I looked at her sadly habang siya umiiyak padin. Sa wakas , Sinaktan niya na ko . Nagi-guilty ako kapag hindi nila ko sinasaktan gayung nasaktan ko sila sa nagawa ko.

''Ang tanga-tanga mo talaga ! Bakit aalis ka ?! Sinabi ba naming umalis ka ?! Hindi ka aalis ! Walang aalis ! Hindi mo kami iiwanan ! Hindi ka namin bibitawan at hindi ka namin hahayaang umalis ! Ito ang tatandaan mo Kim Dahyun , Kahit na anong mangyari .... Hindi mawawala samin ang Eagle Dubu na minahal namin ! Hinding-hindi ka mawawala ! Ipangako mo !'' Sabi niya sakin nang paseryoso.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now