Chapter 46 - SinB's Confession

909 34 9
                                    


SINB'S POV :

Habang abala ang iba sa kani-kanilang trip , Nagsimula na kaming mag-usap ni Somi tungkol sa mga plano namin kasama sila Jihyo at Jungyeon Unnie.

"Tingin mo , Magtatagumpay tayo ?" Tanong ni Somi sakin.

"Ngayon ka pa ba aatras ?" Tanong ko sa kanya . Napayuko na lang siya . Ano bang pinoproblema niya ngayon ?

"Ano bang problema , Somi ? Akala ko ba kakayanin natin 'to ? Wala namang masama sa plano natin ah" Sabi ko sa kanya.

"Ayoko lang kasing dumating sa punto na magkagulo na . Ayokong mahirapan si Dahyun Unnie" Sabi niya sakin.

"Hindi siya mahihirapan , Trust me ! Makakatulong pa nga 'to eh . Magkakaalaman na" Sabi ko sa kanya.

"Sige na ~ Oo , Tuloy ang plano pero kapag nagkalabuan na ayoko na" Sabi ni Somi sabay lakad.

Napatingin naman ako kay Tzuyu na nakatingin samin ni Somi sa di kalayuan . Sa tingin ko , nakakasense siya ng plano namin . Wala namang  masama sa plan namin eh .

Nilapitan ko sila Jihyo Unnie.

"Ano nang plano?" Tanong ko.

"Ganun pa din , Pagsama-samahin sa isang tent ang mga malalakas ang laban sa puso ni Dubu" Sagot ni Jungyeon Unnie.

"Paano sila Chaeyoung at Mina ?" Tanong ko.

"Saka na sila lalaban , Ang mahalaga ay maayos ang laban sa pagitan nila Tzuyu , Nayeon Unnie , Sana at Momo" Sagot ni Jungyeon Unnie.

"Ako at si Jungyeon Unnie ang makakasama mo sa tent para mas makapagmeeting pa tayo" Sabi ni Jihyo Unnie.

"Tas si Somi naman ang kasama nila Chaeng at Mina. Kukuha ng information si Somi sa kanila" Sabi ni Jungyeon Unnie.

"Sige Sige , Magtatagumpay ang plano" Sabi ko sa kanila sabay smile.

"Salamat sa pagpayag mo na sumama ah" Sabi nila sakin.

"Wala yun , Basta sa ikasasaya ni Dahyun" Sabi ko sa kanila.

I want her to be happy . Alam ko kasing may kulang sa buhay niya eh . Nahahalata ko yun . Kitang-kita ko sa mata niya ang kalungkutan simula pa nung una ko siyang ma-meet . Hindi naman sa nakikisabay akong lumaban sa members ng Twice pero gusto ko si Dahyun .

Tama si Yuju Unnie na siyang co-member ko sa G-Friend . Mabait talaga si Dahyun . Mas nakilala ko siya nang magsimula kaming magrecording ng "Idols Are The Best" Segment sa Weekly Idol . I learned how to love her .

Pero ....... Alam kong wala naman akong pag-asa sa kanya . Hanggang friends lang talaga kami . Tanggap ko naman yun . Naalala ko tuloy yung heartbreaking moment namin dati after ng recording sa Weekly Idol .

Nagbonding muna kaming dalawa at nagstay sa Seaside nang Gabi . Gusto ko kasi siyang makausap .

Flashback :

"SinB , Ang ganda dito noh . Mabuti at nagkatime tayong magbonding" Sabi niya sakin sabay smile.

Ang cute talaga niya kapag ngumingiti . Mas nagugustuhan ko tuloy siya . Alam kong weird pero ito ang nararamdaman ko.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now