Chapter 36 - Fight For Love

926 33 7
                                    


SANA'S POV :

Mag-isa akong umuwi sa Dorm at ni isa sa kanila wala pa . Malamang nagsha-shopping pa . Napaupo na lang ako sa sofa sa Living Room at iniiyak na lang ang nakita ko kanina sa Park . Momo Unnie kissed Dubu .

May relasyon ba sila ?! Bakit ?! Nasaktan ako nang sobra-sobra sa nakita ko kanina ! How could this happen to me ?! Bakit si Momo Unnie pa ?! Bakit ?! She's my bestfriend ! Kasama si Mina . Bakit si Moguri Unnie pa ang mismong aagaw sa kanya ?!

Hindi ko talaga mapigilang umiyak eh . Kusang tumutulo yung luha ko sa sobrang lungkot T___T . Wala parin si Dahyun , Tumigil na siya sa paghabol sakin . Kim Dahyun , How dare you ?! Nakakainis kasi eh ! Nasasaktan ako kahit alam kong wala naman akong karapatan .

Kinuha ko ang phone ko at pinagmasdan na lang ang pictures namin ni Dubu together . Naiiyak na naman ako huhuhuhu ~

Maya-maya pa ay may dumating na member na . Nagbukas ang pintuan at nagmadali akong pahiran ang luha ko.

"Sana , We need to talk" Seryosong sabi sakin ni Moguri Unnie.

Oo , Si MOMO Unnie yung dumating . Mag-isa lang siya . Hindi niya kasama si Dahyun .

"Ano pang dapat nating pag-usapan , Unnie ?" Tanong ko sa kanya.

"About sa nangyari kanina , Pasensya ka na" Sabi niya sakin.

"Tsk! Wag mo nang sabihin yan , Alam ko namang nag-enjoy kayo pareho ni Dahyun !" Sabi ko sa kanya nang paseryoso.

"Pwede ba kitang kausapin nang masinsinan ? Sa likod ng dorm ?" Tanong niya sakin sabay lakad na papunta sa likod ng dorm kung saan mahangin at tahimik .

Sumunod ako sa kanya . Hinarap ko na siya . Wala nang paligoy-ligoy pa ! Nagkatinginan kami nang paseryoso .

"Anong meron sa inyo ni Dahyun ?" Tanong ko sa kanya nang paseryoso.

"Katulad ng sitwasyon mo !" Sagot niya.

"Talaga?! What about the kiss ?!" Tanong ko sa kanya.

"Yun ba ? Hindi ko napigilan ang sarili ko . Ginawa ko yun para malaman na niya ang katotohanan ! Hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko !" Sagot niya nang paseryoso.

"So , kalaban ka talaga ? Ikaw na bestfriend ko ? Nangyayari pala talaga ang gantong sitwasyon sa totoong buhay noh ? Ang sakit eh !" Sabi ko sa kanya.

"Sana , Mahal ko si Dahyun ! Tulad mo , Umaasa rin akong mamahalin niya rin ako !" Sabi niya sakin.

"Tama , Mahal ko siya ! Pero bakit ikaw pa ?! Ikaw pa ang makakalaban ko ?!" Naiiyak kong tanong sa kanya.

"Gumising ka , Minatozaki Sana ! Hindi lang ako ang kalaban mo kundi kasama ang ibang members ! Can't you see na madami kang karibal ?!" Sabi niya sakin.

"Hindi ko matanggap ! Ang sakit sa puso ! Bakit ba kasi kailangang pag-agawan pa si Dahyun ?! Bakit kasi kailangan pang kayo ang makalaban ko ?!" Tanong ko sa kanya.

"Dahil mahal namin si Dahyun ! Dahil mahal ko siya ! Lumalaban ako para sa pagmamahal niya !" Sagot ko.

"Ganun din naman ako , Mahal na mahal ko rin siya . Natatakot ako na baka magkasakitan pa tayo sa bandang huli !" Sabi ko sa kanya.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now