Chapter 29 - Heart

966 38 14
                                    

JUNGYEON'S POV :

Agad ko nang dinala si Dahyun sa likuran ng dorm para makausap siya nang personalan . Panahon na para gumawa ako ng paraan. Sumama naman siya sakin nang tahimik . Umupo siya sa damuhan . Imbes na tabihan siya ay tumayo ako sa harapan niya nang paseryoso.

"Dahyun , Ano ba talagang nararamdaman mo ?" Seryoso kong tanong sa kanya . She looked at me confusedly .

"Unnie , What do you mean ?" Tanong niya sakin.

"Dahyun , Wag monh pigilan ang feelings mo . Panahon na para marealize mo ang mga bagay-bagay" Sabi ko sa kanya nang paseryoso.

"Ano bang dapat kong marealize ?" Tanong niya sakin . Huh ! Tinatanong ba talaga niya sakin yun ?! Kim Dahyun , Ano bang problema mo?!

"Dahyun naman , Ang mga bagay-bagay sa paligid mo ! Alam kong nararamdaman mo kung ano yun ! Maybe pinipigilan mo lang ang damdamin mo !" Sabi ko sa kanya.

"Unnie , Hindi....Hindi kita maintindihan . May problema ka ba ?" Tanong niya sakin.

Hindi na ko nakatiis kaya naman nilapitan ko siya at hinawakan sa pisnge't ihinarap sakin.

"Buksan mo na yang puso mo ! Kalimutan mo na ang nakaraan , Panahon na para hayaan mong magmahal yang puso mo!" Sabi ko sa kanya nang harapan.

"May gusto ka sakin , Unnie ?" Tanong niya sakin.

Tsk ! Bakit 'pag sakin gets niya agad ?! Bakit yung feelings ng ibang members ni hindi niya marealize ?!

"Kim Dahyun , Gumising ka nga ! Wala kong gusto sayo. Sira ka talaga ! Basta , Ang problema kasi sayo ni hindi mo man lang pinapakiramdaman ang mga taong nasa paligid mo . Mahal na mahal ka nila" Sabi ko sa kanya.

"Bakit Unnie ? Ikaw ? Hindi mo ba ko mahal ?" Tanong niya.

Anak ng ........ Ano bang pinapalabas niya ?!

"Dahyun naman ~ Alam mo namang mahal kita . Kaya nga palagi kitang binibigyan ng advice sa pagiging charismatic ! Sa ngayon , Naga-advice ako sayo na wag mo nang pigilan yang feelings mo !" Sabi ko sa kanya.

"Unnie , Hindi naman ako nagpipigil ng feelings ah" Sabi niya sakin sabay kamot sa ulo.

Napayuko ako dahil ang hirap niyang paliwanagan .

"Basta , Sundin mo kung anong nararamdaman ng puso mo ! Gawin mo yung bagay na itinitibok at iniuutos ng puso mo! Kapag alam mo na ang ibig kong sabihin , Kausapin mo ko" Sabi ko sa kanya.

"Unnie , Paano kung di ko ma-gets ?" Tanong niya.

I looked at her seriously .

"Hindi ako naniniwalang hindi mo kakayanin ! Kaya mo 'yan , Basta ! Pag-aralan mong mabuti ang mga kilos ng ibang members para sayo at ang mga ginagawa nila para sayo . Importante din ang mga sinasabi nila . Sige na , Sumunod ka na sa loob" Sabi ko sa kanya sabay lakad na pabalik sa loob ng dorm.

Agad na rin naman siyang sumunod pabalik . Hindi naman kami nahalata ng iba na nawala . Sandali lang naman ang pag-uusp namin ni Dahyun. Gusto ko na siya mismo ang maka-appreciate ng efforts ng ibang members para sa kanya . Naaawa na kasi ako sa ibang members na nahihirapang umamin ng feelings sa kanya dahil ang manhid talaga niya .

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ