Chapter 77 - Love Rain

756 30 15
                                    

DAHYUN'S POV :

Agad na kong pumasok sa loob ng dorm . Hindi ko na napigilan kaya't nasigawan ko na sila . Mabuti na lang at nandiyan si Sana at Momo Unnie . Medyo umayoa ang kalagayan ko sa pagdamay nilang dalawa .

Hindi karapat-dapat ang isang tulad ni Tzuyu sa puso ko . Mahal niya ko ? Kung minsan hindi sapat ang pagmamahal !

Nang matapos akong maligo , Tumambay muna ko sa Living Room . Tulog na yung ibang members . Ako na lang ang nakatambay dito sa Living Room . Hindi pa ko inaantok . Wala ako sa mood dahil sa mga nangyayari .

Sumilip ako sa bintana at inalam kung umuulan pa. Tuloy parin ang pagbuhos ng malakas na ulan . Nandun pa din siya sa labas . Anong gusto niyang palabasin ?! Siya ang Bida at ako ang kontrabida ?! Tsk !

Bahala siya sa buhay niya ~ Akala ba niya na makokonsensya ako sa ginagawa niya . Bakit ako makokonsyensya ?! Wala naman akong masamang ginawa sa kanya !

Makalipas ang ilan pang oras , Mas lumakas ang ulan kaya naman kumuha na ko ng payong . Langyang 'yan eh !

Malapit na ang comeback namin kaya dapat na walang magkakasakit . Gagawin ko 'to para sa ikabubuti ng buong group .

Pumunta na ko sa likod ng dorm dala ang dalawang payong .

Nakita ko siyang nakaupo lang doon at basang-basa na ng ulan . Nilapitan ko siya nang dahan-dahan.

"Oh ~ Payong ! Dalawa na payong mo diyan ! Wag ka nang mag-inarte" Sabi ko sa kanya sabay lapag ng payong .

Hindi siya umiimik at patuloy lang sa pag-iyak . Lumakas pa lalo ang ulan pero wala parin siyang ginagawa .

"Hoy ! Sa tingin mo may susuyo pa sayo dito ? Tulog na lahat ng members kaya kung naghihintay ka pa na suyuin ka , Maninigas ka diyan ! Bahala ka na diyan . Matutulog na ko" Sabi ko sa kanya sabay lakad na pabalik sa loob dala ang payong ko.

Anong akala niya ?! Sino siya para suyuin ko ?! Sadyang ayoko lang na magkaproblema sa comeback namin . Kapag trabaho na ang pinaguusapan , Kailangan lahat kami sama-sama dahil kami ang TWICE .

Pumasok na ko sa loob ng dorm . Pumasok muna ko sa kwarto . Tulog na nga si Chaeng . Halata naman eh . Nakanganga na . Naupo ako sa kama ko at inayos muna ang gamit ko . Biglang bumagsak mula sa mga gamit ko ang isang sulat . Yun yung sulat ni Tzuyu para sakin . Nakatago pa nga pala sa gamit ko . Nagkamali siya sa ginawa niyang panloloko sakin . Binalewala niya ang pakiramdam ko . Nasaktan niya ko ! Ibinalik ko na lang sa mga gamit ko yung sulat at nagdesisyon nang humiga sa higaan ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

TZUYU'S POV :

Ayoko nang mabuhay pa ! Kasalanan ko kung bakit tuluyan na kong hindi pinagkatiwalaan ni Dubu Unnie . Hindi ko na alam ang gagawin ko . Sobrang nasaktan siya sa mga katangahan na ginawa ko . It's all my fault ! Hindi ko mapatawad ang sarili ko .

Hanggang ngayon nakatatak pa din sa isipan ko ang mga sinabi niya . Paulit-ulit na umiikot sa utak ko yun . Hindi niya daw ako mahal at kahit kailan hindi niya ko mamahalin . TT____TT Ang sakit ! Ang sakit sakit !

Patuloy lang ako sa pag-iyak kasabay sa lalong pagbuhos ng malakas na ulan .

Lumabas si Dubu Unnie at binigyan ako ng payong . Hindi ko na kailangan nun ! Wala na namang halaga ang buhay ko ~ I ruined everything ! Hindi na rin siya nagtagal . Bumalik na rin agad siya sa loob ng dorm . Hindi ko kailangan ng dalawang payong na nasa tabi ko , Isa lang naman ang kailangan ko ! Yun ay ang bagay na imposibleng mapasakin ngayon . Yun ay walang iba kundi si DAHYUN Unnie at ang pagmamahal niya .

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now