Chapter 16 - What's the Problem ?

1.1K 45 11
                                    



JIHYO'S POV :



Nagising ako ng 4:30AM kaya naman sinimulan ko na ang paghahanda ng almusal naming lahat kahit tulog pa ang iba . Nang matapos ang pagaayos ko ng almusal namin ay naisipan kong silipin si Dahyun sa Maknae Room . Naisipan kong kumustahin ang kalagayan niya kaya naman pumasok ako sa Maknae Room . Hindi kasi nila nila-locked ang kwarto nila eh. Nakita ko naman si Dahyun na nakataklubong sa higaan niya pero parang kakaiba ah . Parang lumaki ata si Dahyun .

''Hindi!'' Sabi ko nang maisip ko ang isang bagay . Kinutuban ako kaya naman agad kong tinanggal ang kumot na nasa kama niya . Nagulat ako nang mapagtanto na wala si DAHYUN sa kama niya . Isa lamang unan at kumot ang nakakorteng tao para magpanggap na si Dahyun . Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa sobrang gulat .

''DAHYUN !!!!!!!!!'' Malakas kong sigaw kaya naman napaiktad agad sina Tzuyu at Chaeyoung sa higaan nila . Nagulat sila sakin sabay pandalas ng tayo at lapit sakin.

''Anong nangyari Jihyo Unnie ?! Bakit sumisigaw ka ?!'' Tanong agad ni Chaeyoung sakin.

''Unnie , Anong....Bakit nandito ka ???" Tanong naman ni Tzuyu sakin.

''Si Dahyun ! Nawawala sa kwarto niyo ! Nagawa siya ng korteng tao para magpanggap na siya ! Naisahan na tayo !'' Sagot ko sa kanilang dalawa sabay hawak sa ulo ko.

''What do you mean Unnie ???" Tanong nila sakin.

''Umalis si Dahyun ! Tumakas siya ! Pumunta siyang JEJU ! Ang kulit talaga niya ! Hindi pa siya gaanong malakas eh !'' Galit kong sabi.

Agad namang nagsipasukan sa loob ng Maknae Room ang iba pang members . Napalakas siguro talaga ang boses ko kaya nagising silang lahat.

''Anong meron Jihyo ?! Bakit sumisigaw ka ?!'' Tanong ni Nayeon Unnie.

''Si Dahyun ! Tumuloy siya ! Tumakas siya ! Gumawa siya ng korteng tao sa higaan niya para isipin natin na nandito siya . Ang kulit kulit talaga !'' Sabi ko.

''Naku ! Baka kung ano nang nangyari dun ! Delikado ang mag-isa sa ganitong oras'' Sabi naman ni Jungyeon Unnie.

''Tatawagan ko siya'' Sabi naman ni Momo Unnie sabay tawag kay Dahyun kaso naka-off daw ang phone.

''Mga anong oras kaya umalis ang DUBU ko ?" Nag-aalalang tanong ni Sana.

''Baka nga nandun na sa Jeju yun eh , Naku naman ~'' Sabi ko sa kanila.

''Hindi man lang namin namalayan ! Nakakainis !'' Sabi naman ni Chaeyoung.

Agad ko nang tinawagan ang manager namin na nasa SoKor na ngayon para hanapin si Mina . Ipinaalam namin sa kanila na umalis si Dahyun papuntang Jeju kaya naman hahanapin na rin nila si Dahyun. Ang kulit talaga niya ! Sinasabi ko na nga ba eh ! Kinukutuban ako kagabi pa nang mawalan siya nang malay . Hindi ako mapakali sa pagtulog tapos ngayon wala na siya sa higaan niya . Paano na lang kung mapaano siya dun ?! Di pa siya gaanong malakas para pumunta dun ! Sana ayos lang siya . Sana ligtas siya .

''Jihyo Unnie , Pupunta kong Jeju ngayon'' Sabi sakin ni Chaeng habang nakaready nang umalis at dala ang backpack niya.

''Hindi pwede ! Manager na natin ang umaaksyon'' Sagot ko sa kanya.

''Jihyo Unnie , Sasama ko kay Chaeng ! Hahanapin ko rin si Dubu Unnie'' Sabi sakin ni Tzuyu.

''Wag ka nang sumama Tzuyu , Baka matrauma na naman si Dahyun'' Sabi ni Chaeng.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now