TZUYU'S POV :Makalipas ang ilang oras ng pag-uusap namin ni Chaeyoung sa loob ng tent ay napansin naming di pa nabalik si Mina Unnie .
"Chaeng , Tara nang tawagin si Mina Unnie" Yakag ko.
"Malay mo gusto pa niyang magpahangin sa labas . Hayaan na muna natin" Sagot ni Chaeng sabay higa na.
"Si...Sige , Matutulog na rin ako" Sagot ko sa kanya . Nahiga na rin ako . Ipinikit ko ang mata ko kaso di talaga ko makatulog .
Kailan kaya ako papansinin ni Dubu Unnie ? Hanggang kailan ba siya hihingi ng space sakin ? Sana naman pansinin na niya ko dahil baka mabaliw na ko sa kakahintay na pansinin niya ulit.
Makalipas ang ilang oras pa ng pagmumuni-muni , Bigla na kong nakarinig ng malakas na tawanan sa labas . Oh no ! Ano yun ?!
Napaupo ako dahil sa narinig ko . Hala ! Bakit may tumatawa nang malakas sa labas ?! Di kaya may mangkukulam dito ! Tumingin ako kay Chaeng na tulog na .
Si Mina Unnie ! Hala ! Nasa labas pa si Mina Unnie ! Baka mapaano siya dun . Mag-isa lang siya dun sa labas ngayon .
"Chaeng ! Chaeng ! Gising !" Panggigising ko kay Chaeng.
"Bakit ba ? Natutulog pa ko eh" Sagot niya .
"Chaeng ! Bilis ! Bangon diyan ! Bilisan mo na ! May tumatawa sa labas ! Si Mina Unnie nasa labas pa ! Chaeng ! Tatadyakan kita diyan !" Sabi ko sa kanya .
"Ano ba ~ Hayaan mo na kong matulog . Ikaw na lang" Sabi niya.
"Natatakot ako ! Baka may kung ano sa labas ! Bilis na !" Sabi ko sa kanya sabay hila sa paa niya kaya no choice siya sabay kamot sa ulo.
"Ano ba yun ?! Tzuyu naman eh ~ Ang Sarap na ng tulog ko" Sabi ni Chaeng sabay tingin nang masama sakin.
"HAHAHA" Rinig namin sa malakas na tawa sa labas.
Nagkatinginan kami ni Chaeng . Nanlaki ang mga mata namin . Mas malaki pa sa mata ni Jihyo Unnie O___O
"Si Mina Unnie nga ! Wala pa ! Kailangan natin siyang hanapin !" Sabi ko.
"Sige na ! Pero .... Paano kung may kung ano sa labas ?" Tanong ni Chaeng.
"Aisshh! Eh di sabay tayo !" Sabi ko . Nagdecide kaming lumabas ng tent nang dahan-dahan.
Kinakabahan kami pero ginawa pa rin namin na lumabas . Natigilan kami nang makita sila Dahyun at Mina Unnie sa tabing dagat na tawanan nang tawanan .
"Nakikita mo ba yung nakikita ko?" Tanong ko kay Chaeng.
"Oo , Sila Mina at Dahyun Unnie yun diba" Sabi ni Chaeng .
"Anong ginagawa nila dun nang ganitong oras ? Bakit tawa sila nang tawa ?" Tanong ko.
"Mabuti pa , Lapitan na natin" Sabi ni Chaeng kaya naman nilapitan namin sila.
"Hahaha ! Mina Unnie , Taya ka !" Sabi ni Dahyun Unnie sabay hawak sa balikat ni Mina Unnie.
Anong ....... Naglalaro sila nang taya-tayaan nang nakaupo at magkaharap lang . Mga sira ulo na ba talaga sila ?! Tawa parin sila nang tawa.
BINABASA MO ANG
Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)
FanfictionAnong mangyayari kapag nalaman mong may gusto sayo ang co-members mo sa Group niyo ? Si Kim Dahyun na member ng Rookie Kpop Girl Group na TWICE under JYP Entertainment. Anong mangyayari kapag pinag-agawan siya ng mga co-members niya? Sa huli , Sino...