Chapter 41 - Time Machine

946 40 38
                                    

Hello Everyone ~ Gusto ko lang sanang mag-THANK YOU sa mga sumusuporta ng ''WHO OWNS KIM DAHYUN'S HEART?" simula pa noong una . Hindi ko 'to magagawa nang ayos kung wala kayo . Kayo ang dahilan kung bakit ipinagpapatuloy ko 'tong story na 'to . Gusto ko kayong sumaya dahil sumasaya ko kapag nakakapagpasaya ng ibang tao . Thank you sa lots of love at sa suporta niyo . Lalo na sa mga nakakachat ko lagi . Saranghaeyo ~ Love ko kayong lahat ~ Fighting ! Cheer Up ! Isang part 'to sa Surprise na sinasabi ko . I'll try my best para magawan ng ganito lahat ng members with Dahyun . Sana magustuhan niyo kahit simple lang siya . Inuna ko ang SaiDa at TzuDa dahil nag-uumapaw ang feels ko sa kanila . 

Inabot na ko ng 5AM sa pagagawa nito ngayon Hahaha ! Naisipan ko lang na ngayon gawin dahil bday naman ni Dahyun kahapon para happy happy . Hahaha ! Para 'to sa mga SaiDa at TzuDa Shippers na tulad ko . Lahat naman yata ishini-ship ko kay DAHYUN . HAHAHA ! Thank you talaga sa inyo . HAPPY 3K Reads na sa WOKDH ! Woohoo ~ Kamsahamnida ~ Sa future , pinapangako kong mas pagbubutihan ko pa ang pagagawa ng kwento para sa inyo . Maraming salamat . Mahal ko kayo . Ang TzuDa at SaiDa feels ko sumosobra ~ Ita-try kong i-next sila Momo , Nayeon at Chaeyoung tas sila Mina , Jihyo at Jungyeon . Yan muna sa ngayon , Sana magustuhan niyo kahit papaano at kahit di siya kagandahan .

NAYEON'S POV :

Sa tagal ni Dahyun sa loob ng CR ay halos mainip na ko nang sobra . Yung totoo ?! Ayaw ba talaga niya kong makausap ?! Sinasadya ba niyang tagalan sa CR para di ako makausap ?! Hindi ako papayag na ganun-ganun na lang ! I'll fight for you , Kim Dahyun . Ipinapangako kong ipaglalaban na kita . Ipaglalaban ko na ang pagmamahal ko sayo ! Wala nang paligoy-ligoy pa ! Ayokong maunahan ng iba at ayokong mapag-iwanan nila . 

Nagulat na lang ako dahil lumapit si Tzuyu sakin at pilit akong pinapalayo kay Dahyun . Ano siya ?! Hilo ?! Katagal ko ditong naghihintay , Aatras pa ba ko ?! Hindi ako nagpapigil ! Kinuha ko na ang susi ng CR at pinasok na si Dahyun sa loob ng CR . Nang buksan ko ang CR , Nakita ko siyang nanlaki ang mata nang mabuksan na ang pinto . She looked at me worriedly . Nakasandal siya sa pader habang nakasiksik sa sulok . Anong trip yun ?!

Sa ayaw at sa gusto niya , I'll confess to her ! Hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko kahit marinig pa ko ng ibang members sa labas . Ini-locked ko ang pintuan at binitbit sa loob ng cr ang susi para walang istorbong magbubukas ng CR. Ramdam kong nagkukumpulan ang ibang members sa labas ng pintuan kaya hindi muna ko nagsalita . Maya-maya pa , Narinig ko ang boses nila Jihyo at Jungyeon . Ramdam kong pinaalis nila ang ibang members kaya wala nang nakikinig ngayon . Pwede nang magsimula . 

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now