Chapter 23 - Book

1.1K 40 26
                                    



TZUYU'S POV :


Hindi ko na kinaya ang sobrang kalungkutan kaya naman nagtatakbo na ko sa CR saka ko ibinuhos ang lungkot na nararamdaman ko sa loob ng isang Cubicle .

Kim Dahyun , Ang manhid manhid mo ! How can you do this to me ?! Nagturok ka ba ng Anesthesia kaya ganyan ka ka manhid o sadyang ganyan ka talaga kaya naghiwalay kayo ni Vernon ?! Baka naman nagkaganyan ka na dahil sa breakup niyo ! Isa lang ang masasabi ko yun ay "Ang Manhid mo Kim Dahyun !" . Lumabas na ko ng cubicle at tumayo sa harapan ng salamin .

"Ano bang dapat kong gawin para mapansin mo ko ?! Bakit ang manhid mo ?! I HATE YOU ! I HATE YOU ! I HATE YOU !" Malakas kong sabi habang nasa loob ng CR dahil wala rin namang ibang tao eh . Ayos lang ~

"Iha , Sinabi mo na ba sa kanya na mahal mo siya nang seryoso ?" Nagulat ako dahil lumabas sa loob ng isang nakasarang cubicle ang isang matandang Babae .

"Omg ! Pa...Pasensya na po kayo Lola ~ Akala ko walang ibang tao eh" Sabi ko sabay yuko . Nakakahiya ! Di ko namalayan na may Lola pala sa loob ng isang cubicle . Ano na lang ang sasabihin at iisipin niya ?! K-Idol ako tapos ganun ang sitwasyon ko .

"Iha , Ayos lang . Kung ako sayo , Umamin ka nang seryoso sa mahal mo hindi yung nagmumukmok ka . Baka naman kasi di ka pa umaamin sa kanya nang seryoso . Wag mong kainisan ang mahal mo , Wag mo siyang sisihin agad kung di ka pa naman umaamin" Sabi sakin ng Lola . Aba , Ang galing mag-advice ni Lola ah.

"Ba....Bakit po ba kayo nandito sa Hospital ?" Tanong ko.

"Pasyente dito ang Mister ko , Iha . Nagkasakit kasi siya . Naalala ko ang sarili ko sayo , Iha . Nung kabataan ko crush ko pa lang ang Mister ko . Talagang inis ako sa kanya nun kasi ang manhid niya . Bigla kong narealized na ni hindi nga pala ko naamin sa kanya . Nilakasan ko ang loob ko at ayun gusto rin pala niya ko . Ngayon , masaya na kami" Sagot sakin ng Lola.

"Ta..Talaga po ?" Tanong ko.

"Oo naman Iha . Sige na , Mauna na ko sayo ~ Good luck sa pag-amin mo . Sana magtagumpay ka" Sabi ng Lola sabay alis.

Nang makaalis na si Lola , Napaisip ako. Tama si Lola ! Dapat nga na magtapat muna ko bago ko kainisan si Dubu Unnie .  I looked at myself in the mirror . I am strong ! I can prove myself to Dahyun Unnie na karapat-dapat ako para sa puso niya . I won't give up ! LALABAN NA TALAGA KO HANGGANG SA HULI ! Hindi kita susukuan Dahyun Unnie.

Agad na kong naghilamos at inayos ang sarili ko para di halata na umiyak ako . Bumalik ako sa kwarto at naabutang tulog na si Dahyun Unnie habang nagbabantay na naman sila Nayeon Unnie at Chaeng .

"Tzu , Saan ka ba nanggaling ???" Tanong nila sakin.

"Ahhmm...Nag-CR lang" Sagot ko sabay smile.

"Ganun ba ? Kumain ka na . Nakakain na kami . Tagal mo eh" Sabi ni Nayeon Unnie.

"Ayos ka lang ba ??" Tanong sakin ni Chaeng.

"Oo naman , Sadyang nasi-CR lang ako kanina" Sagot ko sabay smile.

Kumain na rin ako at ako na muna ang nanatiling gising dahil natulog muna si Chaeng at Nayeon Unnie . Wala kong magawa kaya naman kinuha ko ang libro ko at pumunit ng last page na blanko . Humiram ako ng ballpen sa Nurse at umupo sa upuan sa loob ng room .

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now