Chapter 55 - Let Her Go

1K 29 27
                                    

SANA'S POV :

Ngayon ko lang nakita si Mina nang ganun. Talagang madami nang nahihirapan sa mga nangyayari. Di ko nga alam kung ano nang gagawin ko eh . Di ko parin kasi malimutan yung nangyari kanina. Sinabi ni Dahyun na siya ang Dubu ko at ako naman ang Squirrel niya. Does it mean na may pag-asa talaga ko ?

Di kaya may feelings na rin siya para sakin pero paano yung kay Tzuyu. Paulit-ulit na sinasabi ni Dahyun kanina na magstay lang sa tabi niya si Tzuyu. ANONG IBIG SABIHIN NUN ?!

Saka , Ayaw sumama samin ni Dahyun kanina . Gusto niya lang ba sa tabi lang ni Tzuyu . Bakit ganun ?! Ano ba Kim Dahyun ?! Ang gulo talaga niya kausap eh ! Nalilito na tuloy ako nang sobra ngayon .

Sa ngayon , inaasikaso ng iba si Mina sa tent nila Chaeng . Habang si Nayeon Unnie at Tzuyu naman dinala na si Dahyun sa tent nila Jungyeon Unnie.

Naiwanan akong di makapaniwala sa sinabi sakin ni Mina kanina . Napaupo na lang ako sa isang tabi at napahawak sa ulo ko .

"Sana , Wag mo nang alalahanin 'yun . Lasing lang si Mina kaya nasabi niya 'yun. Intindihin mo na lang" Sabi sakin ni Momo Unnie sabay tapik sa balikat ko.

"Unnie , Naguguluhan na ko sa mga nangyayari . Ngayon naman , Si Mina Unnie karibal ko din pala . Di ko na alam ang gagawin ko ngayong dalawa sa pinaka-close sakin ang karibal ko" Sagot ko.

"Ano bang usapan natin ? Diba laban nang patas . Kaya wag kang mag-alala , Wala naman tayong magagawa dahil pare-pareho lang naman tayong nagmamahal" Sagot niya sakin

"Paano si Mina ? Paano ang Bestfriend natin ?" Tanong ko.

"Sana , Mauunawaan niya rin ang nga nangyayari. Kilala naman natin si Mina . Patas kung patas ang labanan . Lasing lang siya kaya nasabi niya 'yun . Wag mo nang isipin 'yun" Sabi ni Momo Unnie sakin.

"Siguro nga tama ka , Sana matapos na 'tong gulo na 'to" Sagot ko.

"Matatapos lang 'to sa oras na magmahal na ulit si Dahyun" Sagot niya sakin sabay tingin nang paseryoso.

"Di ko parin ma-gets yung nangyari kanina. Ewan ko ba . Naguguluhan ako . Sinabi ni Dahyun na ako ang Squirrel niya at siya ang Dubu ko pero ayaw naman niyang umalis sa tabi ni Tzuyu" Sagot ko.

"Gaya ng sinabi ko , Lasing din si Dahyun . Di natin alam kung anong tumatakbo sa utak nun kaya wag ka nang mag-isip nang mag-isip . Bukas mo na alamin yan" Sagot ni Momo Unnie.

Siguro nga tama si Momo Unnie . Pero , pakiramdam ko sincere si Dahyun nung kinausap niya ko kanina . Ang gulo-gulo na talaga ng utak ko ! Aiishh ! Napakamot ulo na lang ako. Lumabas na si Nayeon Unnie sa tent kung nasaan si Dahyun at Tzuyu .

Magkasama si Dahyun at Tzuyu sa loob ng tent na 'yun. Dahyun ~ Bakit hindi na lang ako ang pakiusapan mong magstay sa tabi mo ? Bakit hindi ako ?!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAEYOUNG'S POV :

Nagtulong na kami sa pag-aasikaso kay Mina Unnie habang si Nayeon Unnie at Tzuyu naman kay Dahyun Unnie . Nasa labas naman sila Momo at Sana Unnie . Mukhang pinapagaan ni Momo Unnie ang pakiramdam ni Sana Unnie dahil sa nangyari kanina .

"Guys , Nandun na sa isang tent si Dahyun kasama ni Tzuyu" Sabi ni Nayeon Unnie .

"Chaeng , Puntahan mo muna sila Tzuyu . Tulungan mo si Tzuyu" Sabi sakin ni Jihyo Unnie.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now