Chapter 72 - Stand Up !

721 27 11
                                    


CHAEYOUNG'S POV :

Pumasok na kami ni Mina Unnie sa loob ng Restaurant . Mukhang malungkot siya . For sure na malungkot talaga siya ~ Siguro dahil dun sa announcement namin ni Dubu Unnie na kami na.

Tsk ! Actually , Alam ko naman talaga kung anong napag-usapan nila sa likod ng dorm . Napag-usapan ni Dubu Unnie at Tzuyu yung friendship namin . Ayaw ni Tzuyu na masira ang friendship namin kaya nagdesisyon siyang magparaya . Hindi talaga siya nagmahal ng iba ! Ginawa niya yun para sakin . She wants me to be happy pero hindi yun ang Happiness na gusto ko.

Alam kong hindi naman talaga ako ang nasa puso ni Dubu Unnie . Sa totoo , Nagpretend nga lang ako na walang alam dahil gusto kong maramdaman na maging kami at mapasakin siya kahit sa madaling panahon lang . Plano ko na talagang aminin sa kanya na alam ko ang lahat . I'm ready to set her free dahil alam kong hindi ako yung mahal niya .

Hanggang Bestfriend lang talaga ako para sa kanya . Mas okay na 'to kaysa naman nahihirapan siyang pilitin ang sarili na mahalin ako nang higit sa pagkakaibigan . Mahal ko siya pero ayokong malungkot siya . Ang gusto ko ay sumaya siya kaya heto ko't nagpaparaya na .

Handa na kong mag-move on kahit dahan-dahan . Kahit masakit , kahit mahirap at kahit nakakalungkot . Kakayanin ko 'to para rin kay Dahyun ! Sa ngayon , Kilala ko na yung taong sa tingin ko ay makakapagpasaya kay Dahyun Unnie nang higit pa sa sayang ibinibigay sa kanya ng ibang members . Kaso , Kinakabahan ako sa nangyayari sa kanya ngayon .

Alam kong nasaktan yung puso niya . Ayaw niyang maniwala sakin ! Akala niya pinaglaruan lang siya ni Tzuyu ! Hindi niya alam kung anong isinakripisyo ni Tzuyu para sa kanya ! Nagawa ni Tzuyu na kalimutan ang sariling kasiyahan para sa iba . Sana magkausap na sila ! Sana maayos na ang lahat.

"Chaeng , What happened ?" Tanong sakin ni Mina Unnie. Kanina pa pala ko nakatunganga dito.

"Ahhmm , Pasensya na Unnie . Natulala lang ako . Yun nga , Break na kami" Sagot ko.

"Huh ?! Bakit nga ?! Bakit ganun ?! Hindi man lang tumagal ng 1 day ? Anong nangyari sa inyo ?" Tanong niya ulit.

"Alam kong hindi talaga ako yung nasa puso niya . Last night , Pumunta sila ni Tzuyu sa likod ng dorm . Itinulak siya ni Tzuyu palayo . Pinilit siya ni Tzuyu na ako ang piliin" Sagot ko.

"So , You mean di talaga ikaw ang mahal ni Dahyun ? Eh Sino ?!" Tanong niya.

"Tama , Sino pa ba ? I think it's Tzuyu . Matagal ko na namang pinaghahandaan 'to eh . Alam kong aabot na sa puntong hindi na nila mapipigilan ang pagmamahal nila sa isa't isa" Sagot ko.

"Tama nga si Lola , Dapat nang magparaya" Sagot niya.

"Sinong Lola ?" Tanong ko.

"Ahh , Wala . May na-meet lang akong Lola sa Park kanina . Madami siyang advice sakin" Sagot niya sabay smile.

"Heto ako ngayon , Nag-iisa" Sagot ko sabay yuko.

"Hindi ka nag-iisa dahil nandito ako. Magkaramay tayo dahil ready na rin akong magparaya" Sagot niya.

Nagulat ako sa sinabi niya . Talaga ? Handa na rin siyang magparaya ?!

"Talaga ?" Tanong ko.

"Oo , Tanggap ko na namang game over na ko sa bwisit na Love na yan , Haha!" Sagot niya sabay tawa.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now