Chapter 17 - Manhid

1K 38 9
                                    




MINA'S POV :



Nahihirapan na ko sa sitwasyom ko ngayon . Pinipilit akong paaminin ni Dahyun kung ano bang problema saming dalawa . Gustong gusto kong sabihin sa kanya na "Kim Dahyun , Manhid ka ! Matagal na !" kaso nagdadalawang isip ako . Kapag umamin na ko sa kanya , mag-iisip na siya ng kung ano-ano . Baka nga layuan na niya ko eh . Isa pa yung dahilan kung bakit ayaw kong magconfess sa kanya . She might stay away from me .

Ayokong tuluyan na niya kong layuan . Ayoko! Natatakot ako na baka masaktan ako sa isasagot niya sakin . She looked at me seriously.

"Mina Unnie , Umamin ka na . Ano ba talagang problema?" Tanong niya sakin . I looked at her seriously sabay buntong hininga .

"Gusto mo talagang malaman?!" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Oo ! Sabihin mo na Unnie , Para malaman na kung anong problema nating dalawa sa isa't isa" Sagot niya sabay lapit sakin.

Kinabahan ako nang lapitan niya ko. Aaminin ko na ba ???? Siguro nga panahon na para malaman niya. Lalakasan ko ang loob ko para matapos na. KAYA KO 'TO!

"Kim Dahyun , Mahal kita" Sabi ko sa kanya nang paseryoso . Napayuko ako matapos magconfess sa kanya.

Hindi siya sumasagot kaya naman napatingin ako sa kanya . She looked at me confusedly sabay lapit pa sakin . Nagulat nalang ako nang yakapin niya ko.

"Mahal din naman kita Mina Unnie" Bulong niya sakin habang yakap ako.  Talaga ?! Mahal niya rin ako ?! OMO ! Sinabi ba niyang Mahal niya din ako ?!

I looked at her as she smiled at me habang nakayakap padin sakin. Ano nang gagawin ko ? Sobrang close ng mukha namin tas nakasmile pa siya sakin . Bumibilis na ang tibok ng puso ko at yun bang tipo na ang hirap nang huminga.

"Talaga ? Mahal mo din ako ?" Tanong ko sa kanya . She smiled at me.

"Oo naman Unnie , Mahal din kita ! Mahal ko kayong lahat ! Pati ang iba pang members" Sabi niya sakin. Natigilan ako sa sinabi niya.

Shete !! Lahat pala kami at hindi lang ako !! Akala ko ako lang !! Kim Dahyun , Ang manhid mo talaga !!! Nakakainis ka !!! Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya sabay Yuki at layo.

"Mina Unnie , Bakit ? May nasabi ba kong mali ? Bakit lumalayo ka ?" Tanong niya sakin.

"Wala 'to" Seryoso kong sagot sa kanya sabay akmang uupo sa malayo sa kanya nang hawakan niya ko sa kamay.

"Unnie , Di mo pa nasasabi ang problema mo" Sabi niya sakin. Grabe ka Dahyun ! So, akala niya wala lang yun sinabi ko kanina sa kanya . Manhid ma talaga Dahyun ! Manhid !!!!

"Ang manhid mo kasi eh !" Matapang kong sabi sa kanya.

"HUH ?! Unnie , What do you mean ?" Gulat niyang tanong sakin. Nakakaloka na eh !

"Gusto mo talagang malaman ? Pwes , Aaminin ko na sayo ngayon ! Pakinggan mo ang mga sasabihin ko huh ! Kim Dahyun , Ang problema ko ay nandito ako sa loob ng isang abando , madilim at nakakatakot na building kasama ang isang manhid na tao ! Ang masaklap pa ay nagpipigil na nga ko ng feelings for her kaso mas pinapalapit niya lang ako sa kanya ! Alam mo pa ?! Nakakainis na ! SINABI KO NA NGA SAYO NA MAHAL KITA NI HINDI MO PARIN NAHALATA O NAINTINDIHAN ! Kim Dahyun , Mahal kita ! Mahal kita ! Kung kinakailangang ulitin ko gagawin ko , Mahal kita !" Sagot ko sa kanya sabay lakad palayo.

Umupo ako sa isang sulok malayo sa kanya at yumuko na lamang . Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko sa kanya eh .

"Mina Unnie" Mahina niyang tawag sakin . Napatingin ako sa kanya na nakaupo na rin sa kabilang sulok sabay tingin sakin.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Onde histórias criam vida. Descubra agora