Chapter 27 - Kiss

1.3K 46 19
                                    

MINA'S POV :

Ang saya - saya ko na eh ! Niyaya ako ni Dahyun na lumabas . Feeling ko napakaswerte ko na talaga . Ang saya ~ Nang mama punta na kami sa park ay inalok ko siya ng ice cream kaso nung pabalik na ko sa bench kung saan iniwan ko siya ay wala na siya . Akala ko na naman napaano na siya . Sobrang nag-alala talaga ko nun !

Mabuti na lang at nakita ko na siya . Agad ko siyang niyakap nang mahigpit . Ayoko na kasing masaktan na naman siya . Ayoko talaga ~ Bumili na lang ulit kami ng Ice Cream kasi nahulog ko yung Ice Cream sa sobrang pag-aalala .

Habang kumakain kami ng Ice Cream sa bench , Napansin ko na nakatitig siya sakin . Omg ! Ano 'to Kim Dahyun ?!

"Unnie , May dumi ka sa pisnge" Sabi niya sakin . Tinanggal niya yung dumi sa pisnge ko.

Omo ! Yung heartbeat ko ang bilis bilis na . Mapapa-Running Man Challenge na sa sobrang bilis XD . Namumula na ko sa sobrang kabado at halong hiya. Ang lapit kasi ng mukha namin sa isa't isa tapos ........... Bigla niyang sinabi na maganda daw pala talaga ko.

Kim Dahyun , Wag kang ganyan ! Kinikilig ako ~ Ayan na naman siya ! Umiiral na naman ang kaharutan niya LOL ! She smiled at me. Naku , Parang alam ko na naman 'to. Isa na namang joke ~ Sabi na nga ba eh , Joke na naman . How could you do this to me , Kim Dahyun ?! Di bale nasanay na ko eh ~ Pero inamin niya na maganda daw ako. Yiieeh ~

Kaya naman pala niya ko sinabihan ng maganda para ibili ko siya ng isa pang Ice Cream . T____T . Ano pa bang magagawa ko eh hindi ko naman siya matitiis. Akma na sana kong bibili ng Ice Cream kaso ........ Hindi ako makapaniwala . How could this happen ? Kung kailan mas gumaganda at umaayos na ang closeness namin ni Dahyun saka pa sumulpot si Somi . Hindi naman sa ayaw ko kay Somi , sa totoo nga close naman siya sa lahat ng members ng Twice . Pero , Alam ko naman na super close si Somi kila Dahyun at Chaeng . Like ko din naman si Chaeng eh . Kung di man ako mapansin ni Dahyun at least nandiyan si Chaeng kaso ayan na si Somi .

Naudlot tuloy ang date namin ni Dahyun . Ay ! Hindi nga pala date 'to T____T . Masyado kong naga-assume na talagang date yun. Panira lang eh ! Sayang ang pagkakataon ko na magkasama kami ni Dahyun nang solo nang dahil sa pagdating ni Somi.

Niyaya pa siya ni Dahyun sa dorm . Ang sweet-sweet agad nila ah . Nakaakbay pa si Dahyun sa balikat ni Somi habang si Somi naman nakahawak sa bewang ni Dahyun. So , Ano ko dito ngayon ?! Kontrabida sa Love Story nila ?!

"Mina Unnie" Nagulat ako sa ginawa ni Dahyun sakin . Hinawakan niya ko sa kamay . Akala ko hahayaan na niya kong mag-isa sa likuran nila pero hindi eh. Hinawakan niya ko sa kamay at pinatunayan niya sakin na hindi niya ko iiwanan . Nakasmile naman ako dahil dun . Siyempre , Ang sweet kaya hihihi !

Ano na lang ang mangyayari sa dorm mamaya ? Alaman naman na nakay Somi ang attention ni Dahyun mamaya. NGANGA NA LANG KAMI. Sana lang umuwi na sa dorm ng IOI si Somi . Hindi naman sa ayaw ko siyang makasama pero ..... Paano na kami ?! Baka nga si Somi pa ang gusto ni Dahyun eh . Habang naglalakad pabalik ng dorm , Tahimik lang ako samantang sila Dahyun at Somi tawa nang tawa at todo picture-an kasama ang isa't isa . Nakikitrip na lang din ako sa kanila para di masyadong obvious.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


CHAEYOUNG'S POV :

Ang tagal namang bumalik nila Mina at Dahyun Unnie . Nakakaloka ~ Baka kung ano nang ginagawa ng dalawang yun eh . Mabuti pa si Mina Unnie , Niyakag siya ni Dubu Unnie . Eh Ako ?! Ni hindi nga ko nakakaranas na alukin ni Dubu Unnie na lumabas ngayon eh ! Ako pa mismo ang nag-aalok sa kanya na samahan ako.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now