Chapter 38 - Bahala Na

931 32 17
                                    


MINA'S POV :

Iniwanan kami ni Tzuyu sa store ng mga damit . Nang-iiwan na yun ngayon . Ano kayang problema ng isang yun ngayon ? Baka masyado nang lumalaki ang tenga niya kaya nauna nang umalis . Hahaha ! Kasama ko kay Tzuyu ngayon .

"Mina Unnie , Eto ~ Bagay din kay Dubu Unnie" Sabi sakin ni Chaeng.  Sa totoo , nagtutulungan kami ni Chaeng na mapasaya si Dahyun. The truth is hindi naman kami nag-aminan na pareho naming like si Dubu Unnie . Obvious namang may gusto siya sa bestfriend niya kaya alam ko na . Eh Ako ? Hindi niya alam na gusto ko si Dahyun. 

"Eto din , I'm sure na magugustuhan niya" Sabi ko kay Chaeng . Nagthumbs up siya sakin.  Binayaran na namin lahat ng mga pinamili namin at lumabas na ng store. 

Habang naghihintay ng masasakyan ay bigla akong kinalbit ni Chaeng. 

"Mina Unnie ! Mina Unnie ! Look , Namamalikmata lang ba ako or si Tzuyu at Dahyun talaga yung nakikita kong naglalakad nang magkasama ?" Tanong sakin ni Chaeng.

"Saan ??" Tanong ko sa kanya.

"Ayun oh ! Penguin Stuffed sa store ang nakikita ko eh" Sagot ko sa kanya .

"Pabo Unnie ! Ayun , Wag ka kasi dun tumingin ! Ayun oh ! Unnie ,  Tatadyakan na kita kapag di mo pa nakita" Sabi ko sa kanya.

"Tama ! Ayun nga ! Omo ! Totoo bang nakikita kong magka-holding hands sila ?! Tingnan mong mabuti , Chaeng" Sabi ko kay Chaeng.

"Hala ! Tago tayo !" Sabi ni Chaeng kaya nagtago kaming dalawa sabay silip sa kanila na naglalakad nang magkaholding hands .

"I'll fight for you , Unnie" Rinig naming sabi ni Tzuyu kay Dahyun nang mapadaan sila sa pwesto namin . Di nila kami nahalata dahil magaling ata kaming magtago.

"What the ...... Anong I'll fight for you ?! Grabe ! Anong ibig sabihin nun ?! Anong ibig sabihin nung holding hands ?!" Tanong ko kay Chaeng kasi nakakasora eh.Grabe ! Kaya ba kami iniwanan ni Tzuyu kanina sa store dahil magkikita sila ni Dubu ? Nasaan sila Momo at Sana Unnie na dapat kasama ni Dahyun ?

"Di  kaya sila na ???" Malungkot na tanong ni Chaeng.

"Hindi !!!!!" Malakas kong pagkakasabi kaya napatingin din ang ibang tao . Napatingin sakin si Chaeng.

"Ahh...Unnie , Anong problema mo?" Tanong niya sakin.

"Grabe kasi eh ! Yung feels ko ! You feelings ko ! Naguumapaw sa sobrang galit ! How could she do this to me ?! Aiishh ! Kim Dahyun ! Kandahirap akong umamin ng feelings sa kanya sa abandonadong building sa Jeju . Ni hindi man lang niya pinahalagahan ang feelings ko tapos malalaman kong sila na ni Tzuyu!" Dere-deretsyo kong sabi dahil hindi na nakayanan ng feels ko.

Natigilan naman ako at napatakip sa bibig ko kasi ang sama na ng tingin ni Chaeng sakin.

"Unnie ~ Mukhang may kailangan kang aminin" Sabi niya sakin.

"Wala ! Kalimutan mo nang sinabi ko 'yun" Sabi ko sa kanya sabay lakad na.

"Unnie ! Wala namang masama sa nararamdaman mo . Tanggap ko kung kalaban kita . Ayos lang sakin . Maglaban tayo ng patas . Kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya , Ganun din ang nararamdaman ko sa kanya" Sambit ni Chaeng sakin habang naglalakad.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum