Chapter 39 - The Plan

942 34 20
                                    

NAYEON'S POV :

Ewan ko ba kung bakit pumayag akong sila Jihyo at Jungyeon ang makasama sa pagsha-shopping . Sa katunayan , isa lang naman ang gusto kong makasama . Walang iba kundi si Dahyun. Ang weird diba . Nain-love ako sa kapwa Babae . Babae naman ako pero bakit ganito . Mahal ko siya at masaya ko sa tuwing nakakasama siya . Namimiss ko na nga ang bonding namin eh. Ang tagal na naming hindi nagbabonding .

Last na bonding naming dalawa ay nung nakatulog kami sa likuran ng dorm . Ang tagal na nun kaya nakakamiss na siya . Kasama ko ngayon 'tong dalawang loka . Kung ano-anong pinaguusapan nila . Nao-OP ako. Ewan ko ba pero pakiramdam ko talagang may binabalak silang kakaiba kung bakit naisipan nilang sa Bundok pumunta .

"I'm sure na magiging exciting 'to" Sabi ni Jungyeon sabay tawa.

"Talagang exciting , Wala nang kawala ang mga natatagong feelings" Sabi naman ni Jihyo sabay apir kay Jungyeon.

"Hoy , Anong kalokohan ang ginagawa niyo ?" Tanong ko da kanila.

"Nayeon Unnie , Wag kang mag-alala . Gagawan natin ng paraan ang feelings ni Dahyun. Hindi na siya makakatanggi ! Mawawala na ang pagkamanhid niya" Sabi ni Jungyeon sabay ngisi.

Naku ! May masamang plano nga. Ano kayang binabalak nila ?! Birthday na ni Dahyun bukas eh .Ahhh ! Bday nga pala ni Dahyun bukas .

"Ay ! Bday pala ni Dahyun bukas ! Bakit sa Bundok tayo ?!" Tanong ko sa kanila.

"Nayeon Unnie , Mismong si Dahyun nakalimutan na bday niya bukas . Di mo ba pansin ?! Walang nakakaalala sa members. Pero , si Chaeng at Mina alam na rin. Naikwento ko sa kanila kaninang umaga pero sabi ko tahimik sila" Sabi ni Jungyeon .

"Mga loka talaga kayo ! So kayong apat lang ang nakaalala. Kami nila Tzuyu , Momo , Sana at Dahyun walang kaalam-alam" Sabi ko sa kanila.

"Aiishh ! Tahimik ka na lang Unnie . Kami nang bahala . Don't Worry , wala namang alam sa plano si Mina at Chaeng" Sabi ni Jihyo.

"Aaiish ! Bahala nga kayo ! Basta ko , walang alam diyan . Wag na wag kayong gagawa ng kalokohan na ikapapahamak ni Dahyun!" Sabi ko sa kanila.

"Haha ! Don't Worry Nayeon Unnie ~ By the way , Ano bang iniisip mo ? Bakit pilit mo paring itinatago yang feelings mo sa Dahyun natin ?" Tanong ni Jungyeon sakin.

Natigilan ako bigla sa narinig ko. Paano ...... Paano nalaman ng Ostrich na 'to ?!

"Paanong......Wala !" Sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Alam mo Nayeon Unnie , Nagaaminan na ang ibang members . Bukod tanging ikaw na lang ang nagpipigil . Sige ka , Maunahan ka pa" Sabi ni Jihyo.

"What do you mean ?" Tanong ko sa kanila.

"Si Momo , Chaeng , Mina , Sana at Tzuyu ang kalaban mo" Sagot ni Jungyeon.

"What ?! Lahat sila ?!" Gulat kong tanong.

"Oo naman , Nagtaka ka pa ! Unnie , Panahon na para kumilos ka . Mapag-iiwanan ka nila . Sinadya naming ikaw ang makasama ngayon para kumbinsihin kang lumaban na . Kawawa ka kapag napag-iwanan ka" Sabi nila sakin sabay smile.

"Mga loka talaga !!!! Sa tingin niyo , may pag-asa ako ?! Kung makalingkis kasi si Sana kay Dahyun eh !" Sabi ko .

"Unnie , Di mo malalaman kung di mo susubukan" Sabi nila sakin.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now