DAHYUN'S POV :
Lumipas pa ang mga araw na sa Hospital ako nakatigil . Ang boring kapag wala akong kasama pero kapag nandiyan na ang ibang members especially Tzuyu , Sumasaya na ko !
Tulad ngayon , Mag-isa lang ako dahil may solo activities ang ibang members . Nagbasa na lang ako ng Iniwanang libro ni Tzuyu . Nang buklatin ko ang libro , Nakakita ako ng sulat . Kilala ko yung handwriting niya . Sa Yoda ko 'to ^_^
Napangiti ako at binasa ang sulat .
"Good Morning Dubu Baby ~ Wag mong kakalimutang kainin ang prutas at almusal na iniwanan ko diyan kanina nang tulog ka pa . Aalis muna ang Yoda mo ah . Pansamantala lang naman 'to , Babalik din ako mamaya . Bibilisan ko para makasama na ulit kita . Magpalakas ka pa . Sabi ng Doctor , Konting Pahinga na lang . Sa totoo , Pwede ka na ngang lumabas eh . Makakapagbonding na tayo sa labas . Excited na ko ! Basta , Tandaan mo lagi na mahal na mahal kita . I will always be here for you . Hindi na kita hahayaang mag-isa . Hindi ka na masasaktan . Hindi ka na iiyak dahil sa lungkot .Mabubuo na ulit yang sugatan mong puso noon . Hanggang dito na lang muna , LOVE YOU ~"
Napangiti ako lalo nang mabasa ko ang sulat niya para sakin . Finally , Maayos na ang buhay namin . Masaya na kami ngayon . Akala ko hindi ko kakayaning kalimutan ang mga sakit na naramdaman ko noon , Kaya ko pala .
Ang gaan na ng pakiramdam ko ngayon . Ito na ang simula ng bagong pag-asa sa pag-ibig ko. Naghilom na yung sugat ng nakaraan .
Nagulat ako nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Pasok !" Sabi ko . Jusko , Si Tzuyu na ata yan .
Natigilan ako nang makita kung sino ang pumasok .
"So....Somi" Sabi ko nang makita ko si Somi .
"Tada ! Nandito din ako !" Sabi ni SinB na pumasok na din . Napangiti ako nang makita sila . Agad nila kong nilapitan at binigyan ng yakap .
"Namiss ko kayo !" Sabi ko sa kanila.
"Namiss ka din naman namin nang sobra ! Saka , Sobrang nag-alala kami sayo" Sabi nila.
"Ayos na naman ako ngayon" Sagot ko.
"Pa-kiss nga ! Namiss talaga kita eh" Sabi ni Somi na akmang ikikiss ako.
"Sandali !" Awat ko sa kanya kaya natigilan siya .
"Bakit ?!" Tanong niya.
"Mahirap na ! Baka magselos ang Yoda ko ! Ang galing pa naman nun ! Baka malaman nun na ni-kiss mo ko !" Sabi ko sa kanya .
"Tsk ! Sa Cheeks lang naman eh . Grabe naman" Sabi niya .
"No ~ Mabuti na yung nakakasigurado !" Sabi ko. Napatawa na lang sila pareho.
Langya kasi ! Ang harot ni Somi . Baka magselos si Yoda eh .
"Tsk ! Dubu , May Park Soyeon na kaya si Somi !" Sabi ni SinB sakin.
"Talaga ?! Ibig mong sabihin yung bestfriend niya sa Produce 101?" Tanong ko.
"Yes ~ Hahaha . Kami na" Sagot ni Somi sakin.
"I'm happy for you , Somi !" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)
FanfictionAnong mangyayari kapag nalaman mong may gusto sayo ang co-members mo sa Group niyo ? Si Kim Dahyun na member ng Rookie Kpop Girl Group na TWICE under JYP Entertainment. Anong mangyayari kapag pinag-agawan siya ng mga co-members niya? Sa huli , Sino...