Chapter 11 - Crush

1.7K 62 18
                                    



DAHYUN'S POV :


Medyo nakakahiya nang magising kami ni Nayeon Unnie na magkatabi sa damuhan sa likuran ng dorm , Para kaming tanga dun . Meron namang sariling kwarto't higaan tas dun pa kami nakatulog sa labas . Si Nayeon Unnie kasi eh , Di man lang ako ginising . Nakatulog na pala ko sa kakatingin sa mga bituin sa kalangitan tas siya may sinasabi pang tinitingnan na daw niya ang pinakamakinang na bituin kaso di ko naman makita kung alin dun yung sinasabi niya kaya hinayaan ko na lang . Nginingitian pa ko kaya naman hinayaan ko na lang siya .

Naalipungatan lang ako dahil sa panggigising ni Sana Unnie . Nagulat kami umaga na pala . Katagal na pala naming tulog dito . Madaling araw pa lang nandito na kami eh . Natigilan pa ko nang makitang kayakap ko si Nayeon Unnie habang natutulog . Tsk , Nayeon Unnie nakakaswerte ka ah de joke lang hahaha . Ayos lang naman sakin na kayakap sila 'cause they are my Bestfriends. Agad namang nahalata ni Sana Unnie ang natamo kong sugat mula kay Nayeon Unnie . Na-appreciate ko ang pag-aalala niya . Napatingin naman ako kina Jungyeon , Momo at Mina Unnie na tahimik lang na nakatayo sa isang tabi.

Hindi man lang nila papansinin ang sugat ko ? Ayyy , Bad yan mga Unnie . Hahaha ! Ayos lang naman 'yun for me at least may nag-alala . Nang makapasok na kami sa loob ng Dorm para kumain nang agahan nang sabay-sabay . Biglang bumulong sakin si Momo Unnie nang ''Magpagaling ka Dahyunie'' sabay pasikretong smile sakin . Ano 'to ? Secret Love ? Hahaha ! Momo Unnie talaga ang weird kung minsan pero thankful na rin ako kasi nag-aalala siya sakin . Wala na 'to , Ayos na ko . Di na gaanong masakit . Habang kumakain naman ay parang na-awkward naman kami . Ang tahi-tahimik eh , Di naman kaya ganito dati . Ang ingay-ingay namin dati tapos ngayon ni isa walang nagsasalita .

Maya-maya pa , Nagsimula nang umingay kaso yung ingay na nangyayari kakaiba eh . Pare-pareho silang nag-aalok sakin ng mga pagkain . May sarili kaya kong kamay at bibig . Maya't maya sila subo sakin ng pagkain . Sino pa eh di sina Nayeon , Momo at Sana Unnie . Sa sobrang dami ng nasa bibig ko , Nabilaukan na ko kaya agad rin silang kumilos para abutan ako ng inumin at isa pa , Nakisabay na rin si Chaeng .

Nag-alok naman si Jungyeon Unnie na maglaro daw kami ng Games . TAGUAN daw ng FEELINGS sabi ni JIHYO Unnie . Kaloka ka Jihyo Unnie ~ Sino bang nagtataguan ng feelings dito ?! Haha ! Pare-pareho tayong babae dito noh HAHAHA ! Ang babaliw niyo . Mabuti na lang kumontra sina Mina at Momo Unnie . Busog parin ako eh . Napagdesisyonan ko na rin namang mauna sa kwarto para naman ayusin na ang buhay ko . Hahah ! Di ko na kasi naaasikaso yung pwesto ko sa Maknae Room . Simula nang magkaproblema ko , Gulo-gulo na ang pwesto ko . Ginugulo ko lagi sa tuwing aayusin nila Tzuyu at Chaeng . Ang sama ko HAHAHA ! Matapos makapag-ayos ng sariling pwesto sa loob ng Maknae Room ay bigla namang pumasok si Tzuyu sabay lapit sakin.

''Unnie , Pwede ba tayong mag-usap mamaya ?" Tanong niya sakin nang paseryoso.

''Oo naman , Bakit hindi ? Kung gusto mo , Ngayon na eh'' Sabi ko sa kanya.

''Unnie , No ~ Gusto ko mamaya . Gusto ko sana tayong dalawa lang . May importante kasi akong sasabihin sayo . Sana mapagbigyan mo ko'' Sagot niya sakin.

''Ahhh...Si....Sige , Walang problema . Mamayang Gabi , Sa likuran ng Dorm'' Sabi ko.

''Sige Unnie , Thanks . Labas muna ko'' Sabi niya sabay labas ng kwarto.

Ang weird ni Tzuyu ngayon , Promise ~ Umayos na nga ko , Sila naman ang naging Weird . Ang gulo HAHAHA ! Ano naman kaya ang sasabihin niyang importante sakin ? Baka magbabasa lang kami ng libro HAHAHA ! Ayos lang naman . Basta si Tzuyu , Roommate ko yan eh . Agad na rin akong tumambay sa Living Room kasama ng iba pang members .

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now