Chapter 56 - Hang Over

965 35 30
                                    


TZUYU'S POV :

Nakakaloka na talaga ang mga nangyayari ngayon. Totoo ba talagang gusto ni Dahyun Unnie na hindi ako umalis sa tabi niya ? Baka naman dahil lasing lang siya at masyado lang akong naga-assume.

Yung pangarap ko dati unti-unti nang nagkakatotoo . My Goodness ! Pero , Bakit ganito ang nararamdaman ko ? Bakit nagi-guilty ako sa mga nangyayari ? Bakit nalulungkot ako ?! Dahil ba alam kong nasasaktan ang ibang members lalo na si Chaeng na alam kong super close din kay Dahyun Unnie .

Ngayon , Ako lang ang kasama ni Dubu Unnie dito sa tent . Kasi naman , Ayaw niya kong paalisin . Siguro tulog na yung ibang members sa ibang tent samantala ako gising na gising pa din . Paano naman ako makakatulog eh maya't maya nangungulit si Dubu Unnie ?!

Ewan ko ba dito ! Bakit kaya ang taas padin ng energy niya ?! Maya't maya , Naaalipungatan siya kaya ako gising na gising dahil sa mga pinagagawa niya.

Hokage ata 'to kapag lasing. Paano naman kasi ?! Pahimbing na tulog ko kanina at ang layo na ng agwat ko nagawa parin niyang sumiksik sakin . Nagulat na lang ako bigla niya kong niyakap mula sa likuran ko.

Jusko , Paano ko makakatulog ngayon ?! Ang mukha ko ! Mahirap na ! Mapupuyat ako eh ! Baka magkatagiyawat pa ko !

"Dubu Unnie ~ Matulog ka na nga nang tuluyan" Sabi ko sa kanya sabay kamot sa ulo .

Hinawakan niya ko sa kamay kaya agad akong lumayo sa kanya.

"Gusto ko ng yapusan" Sagot niya kahit pikit padin ang mata.

"Ano ?! Ayan ! Yapusin mo!" Sabi ko sabay hagis sa kanya ng malaking unan . Tumama sa mukha niya kaya agad akong napalapit sa kanya.

Alam kong medyo nasaktan siya LOL !

"Mianhae ~ Unnie" Sabi ko sa kanya kaso bigla naman niya kong hinila kaya naman natumba ako sa kanya .

Nanlaki ang maya ko dahil niyakap niya ang bewang ko. Ano bang trip ng Unnie na 'to ?!

"Matutulog na ko ~" Mahina niyang sabi habang yakap padin ang bewang ko

"Si...Sige , Matulog ka na" Sagot ko . No choice ako kundi magstay sa tabi niya . Ginawa niya kong unan na yakap niya ! Hinayaan ko na lang ~ Sus , Wala namang masama eh .

Eto ko ngayon sa tabi niya , Siyempre yakap niya ! Wala akong magawa eh . No choice talaga ko ngayon. TT_____TT Bakit ginaganito mo ko , Kim Dahyun ?!

Ipinikit ko na lang ang mata ko . Naalipungatan na lang ako dahil sa narinig kong tawa sa labas ng tent . Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap ni Dubu Unnie at buti na lang hindi siya nagising.

Lumabas na ko ng tent at nakitang natawa si Jungyeon Unnie habang nakatingin sa phone niya. Umaga na pala . Yung ibang members nandun sa tabing dagat at yung iba mukhang tulog pa din.

"Unnie , Why are you laughing ?" Tanong ko sa kanya.

"Ahhh...Wa...Wala" Sagot niya sabay tago ng phone niya.

"Yah ! Ano nga ?" Tanong ko sa kanya sabay akmang kukunin ang phone niya.

"Wala nga ! Masaya lang ako dahil may signal na" Sagot niya sabay tago ng phone.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now