MINA'S POV :Sa ngayon , Nandito kami nila Jungyeon Unnie , Nayeon Unnie at Chaeng sa Lotte World . Gusto kasing magdate nila Jungyeon at Nayeon Unnie eh .
Kumbaga , Extra lang kami ni Chaeng sa Date nila . Wala eh ~ Kailangan din na umalis kami sa dorm . Ewan ko ba sa mga trip nila Jihyo Unnie . Puro kalokohan ang naiisip nila .
"Jungyeonie ~ Ang sweet sweet mo talaga" Sabi ni Nayeon Unnie sabay kurot sa pisnge ni Jungyeon Unnie.
"Ikaw din naman , Nabongs ~" Sabi naman ni Jungyeon Unnie sabay akbay kay Nayeon Unnie .
Nakasunod lang kami ni Chaeng sa likod nilang dalawa .
"Yah ! Ano bang ginagawa niyong dalawa diyan ?" Tanong samin ni Jungyeon Unnie.
"Tama ! Maglapit naman kayo sa isa't-isa . Parang di kayo magkasama niyan eh . Nahihiya pa kayo sa isa't isa . Double Date natin 'to . Mag-Enjoy din kayo" Sabi ni Nayeon Unnie samin.
Nagkatinginan kami ni Chaeyoung na parang naghihintay ng gagawin.
"Hold my hand" Nagulat ako sa sinabi ni Chaeng.
"Ano kamo ? Ba...Bakit ?" Tanong ko sa kanya . Basta na niya hinawakan ang kamay ko kaya wala na kong nagawa .
"Nangako tayo sa isa't-isa na sabay tayong magmu-move on . Mag-enjoy na lang tayo . Wag kang mahiya sakin" Sabi niya sabay smile.
Napangiti na lang din ako sa kanya . Ngayon ko lang nakitang ganito ka-alaga si Chaeng sakin.
Sumunod na kami kila Nayeon Unnie . Pumunta kami sa isang restaurant at kumain muna .
"Anong gusto niyo ?" Tanong samin ni Jungyeon Unnie.
"Kahit ano" Sagot ko.
"Basta yung may Ketchup , Yun ang samin ni Mina Unnie" Sabi ni Chaeng sabay smile sakin
"Mahilig ka na rin sa Ketchup ngayon ?" Tanong ko sa kanya.
Di naman siya ganun dati eh . Sa katunayan nga , Ayaw niya nang puro ketchup pero ngayon ..... What's happening ?
"Since gusto mo 'yun , Gusto ko na rin 'yun" Sagot niya .
Nakakatuwa naman ~ Unti-unti na kong nagiging komportable sa tabi ni Chaeng . Bakit kaya hindi na-inlove si Dahyun sa kanya ? Bakit hindi man lang siya ang pinili ni Dubu ? Nakay Chaeyoung na ata lahat eh .
Makalipas ang ilang minuto , Bumalik na sila Jungyeon Unnie at Nayeon Unnie nang dala ang mga orders namin .
"Kainan na !" Sabi ni Jungyeon Unnie sabay lapag ng food tray.
"Ayan , Sandwich Hotdog para sa inyo . May Ketchup yan" Sabi ni Nayeon Unnie.
"Salamat" Sabay naming sabi ni Chaeng .
"Yiieehh" Pang-aasar ng 2Yeon samin ni Chaeng .
"Kain na tayo" Sabi sakin ni Chaeng . Kumain na kami nang sabay-sabay . Maya-maya pa , Biglang hinawakan ni Chaeng ang mukha ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/68278635-288-k74038.jpg)
YOU ARE READING
Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)
FanfictionAnong mangyayari kapag nalaman mong may gusto sayo ang co-members mo sa Group niyo ? Si Kim Dahyun na member ng Rookie Kpop Girl Group na TWICE under JYP Entertainment. Anong mangyayari kapag pinag-agawan siya ng mga co-members niya? Sa huli , Sino...