Chapter 18 - To The Rescue

1.2K 41 9
                                    


JUNGYEON'S POV :



Nagsimula kaming maghanap ni Jihyo kila Dahyun at Mina sa seaside kung saan huling nakasama si Mina . Nagbabakasakali kasi kami na baka bumalik si Mina doon at baka nandun din si Dahyun . Nilibot na namin ang seaside ngunit wala talaga sila eh. Habang naglalakad sa seaside ay natalisod ako sa malaking bato na nakalagay sa lupa .

''Aray ko naman !!!'' Sabi ko . Mabuti na lang at naalalayan agad ako ni Jihyo . Tiningnan ko ang malaking bato .

''Ayos ka lang Unnie ?" Tanong sakin ni Jihyo.

''Sino ba namang naglagay ng malaking bato dito ?! Nakakadisgrasya eh !'' Sabi ko sabay kamot sa ulo.

Maya-maya pa ay nagulat kami ni Jihyo dahil may tumawag samin.

''Jungyeon Unnie ?! Jihyo Unnie ?!'' Gulat na tanong samin ng dalawang dalagang babae. Nagseselca sila sa seaside nang makita kami . Agad silang lumapit samin nang ngiting-ngiti.

''He...Hello'' Sabi namin ni Jihyo sa kanila.

''Mga Unnie , Anong ginagawa niyo dito ?! Fan na fan niyo kaming dalawa'' Sabi nilang dalawa samin. Napangiti naman kami sa kanila.

''Talaga ? Kamsahamnida ~'' Sabi namin ni Jihyo sa kanila sabay bow.

''Ako nga pala si Lherry at siya naman si Zoe Unnie . Magkaibigan kami na nagbabakasyon dito sa Jeju'' Sabi nung Lherry samin nang nakasmile.

''Hello Jungyeon at Jihyo Unnie ~ By the way , Nakita niyo na ba si Mina Unnie ?" Tanong nung Zoe samin.

Nagulat kami ni Jihyo at nagkatinginan .

''Anong sinabi mo ?! Mina Unnie ?! Paano niyo nalaman na hinahanap namin si Mina ?!'' Tanong ko sa kanila.

''Ahhmm , Dahil nameet namin siya . Iniligtas namin siya kagabi mula sa manyakis na taxi driver'' Sagot naman ni Lherry.

''What the ..... Ano ?!!! Manyakis na Taxi Driver ???!!! Nasaan si Mina ???!!!'' Nag-aalala namang tanong ni Jihyo.

''Ayos lang naman siya , Dumating kami sa tamang oras . Nailigtas namin siya at pinatuloy sa apartment na tinutuluyan namin kaso kaninang madaling araw nagdesisyon na siyang umalis'' Sagot naman ni Zoe samin.

''Sinabi ba niya kung saan siya pupunta ?" Tanong ko sa kanila.

''Ang sabi ni Mina Unnie ay gagawa daw siya ng paraan para makauwi na . Umalis na siya eh . Ayaw pa nga sana namin siyang paalisin kaso mapilit siya'' Sabi ni Lherry samin.

''Ano na kayang nangyari kay Mina ? Eh si Dahyun , Kasama ba niya ?" Tanong namin sa kanilang dalawa . Nagulat naman silang dalawa sa narinig nila samin.

''Dahyun ????!!!!!'' Gulat nilang tanong sabay talon nang sobrang saya.

''Ba....Bakit ???" Tanong namin sa kanila.

''OMG !!! Nandito din si Dahyun Unnie ?" Masayang tanong ng dalawa samin . Hulaan ko ! Bias ng dalawang 'to si DAHYUN .

''Bias niyo noh ?" Tanong ko sa kanila. Napatango naman sila sabay irit sa sobrang saya.

''Bias namin si Dahyun Unnie , Sana makita na namin siya . OMG ~ Kinikilig ako . EMEGESH !!!'' Sabi ni Zoe samin.

''Finally ~ OMG ~ Dahyun Unnie ~'' Sabi naman ni Lherry.

Fan nga 'to ni Dahyun , May pagkabaliw din eh . Hyper din eh . Kanina pa irit nang irit habang tumatalon sa sobrang saya .

''Magkasama ba silang dalawa ?" Tanong namin sa kanila.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu