Chapter 58 - Going Home

757 32 16
                                    


CHAEYOUNG'S POV :

Tuluyan na kong sumuko kay Dahyun Unnie . Wala na talaga kasing pag-asa . Ikikimkim ko na lang sa puso ko 'tong nararamdaman ko sa kanya . Halata namang iba yung gusto niya .

Kinakausap niya ko kanina pero iniwanan ko lang siyang nakatayo dun . Dahil ayokong maisipan kong umasa na naman . Ayoko ring masira ang friendship naming dalawa . Parang Movie lang eh , Minahal ko nang sobra yung Bestfriend ko kaso hindi naman niya ko gusto .

Kinausap din ako ni Tzuyu. Sinubukan niya kong kumbinsihin na lumaban parin kaso huli na siya. Buo na ang desisyon ko . Binitawan ko na si Dahyun Unnie .

Ngayong oras na 'to , Hinihintay na lang namin ang pagdating ng Private Plane . Kanya-kanya munang trip ang ibang members . Ako ? Mag-isa lang akong nakatambay dito sa tabing dagat . Kumuha ako ng maliit na bato at ibinato ito sa dagat .

Dito ko na lang ibubuhos ang nararamdaman ko .

"Nakakainis !" Seryoso kong sabi sabay hagis ng bato sa dagat.

"Ano bang kinaiinisan mo?" Rinig kong tanong ng isang familiar na boses.

Lumingon ako sa kanya . Si Dubu Unnie nga . She looked at me seriously sabay lapit sakin.

"Unnie , Bakit nandito ka ? Bu...Bumalik ka na dun sa Sana mo" Sabi ko sa kanya.

"Paano kung ayaw ko ?" Tanong niya sakin.

"Eh di ako ang aalis at pupunta sa kanila" Sagot ko sa kanya nang paseryoso sabay akmang aalis kaso hinawakan niya ko sa kamay sabay hila sakin .

Natigilan na lang ako nang yakapin niya ko . Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin . Dapat bang kumalas ako sa yakap niya o namnamin na lang ang moment na 'to dahil hindi na ulit 'to mangyayari pa.

"Nandito ko dahil gusto kong mag-stay sa tabi ng Bestfriend kong nagmumukmok" Sabi niya habang yakap ako.

"Unnie , Hindi ako nagmumukmok . Gu...Gusto ko lang mapag-isa" Sabi ko sabay layo sa kanya.

"Chaeng , Bakit umiiwas ka sakin ? May problema ba tayo ? May nagawa ba kong masama sayo kagabi ?" Tanong niya sakin.

"Wala Unnie , Sadyang gusto ko lang na mapag-isa" Sagot ko.

"Gusto mong mapag-isa dahil may problema ka ! Problemang hindi mo sinasabi sakin ! I'm your Bestfriend !" Seryosong sabi niya sakin.

"Yun na nga eh ! I'm your bestfriend at hanggang dun lang 'yun" Seryoso kong sagot sa kanya .

"Kaya nga , Mag-Bestfriend tayo ! Dapat sinasabi natin sa isat-isa ang problema natin" Sabi niya.

"Fine ! Sabihin mo ngayon sakin kung sino yang laman ng puso mo !" Sagot ko sa kanya.

Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. I looked at her with teary eyes.

"Chaeng , What do you mean ?" Tanong niya sakin.

"Sige ! Nevermind na lang . Alam ko naman kung gaano ka ka-manhid pagdating sakin !" Sagot ko sa kanya.

"Guys ! Punta naman kayo dito !" Sigaw samin ni Jihyo Unnie mula sa malayo.

"Unnie ! Mamaya na !" Sigaw ni Dahyun Unnie kay Jihyo Unnie.

Who Owns Kim Dahyun's Heart (DahyunxTwice)Where stories live. Discover now